Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Isa rin sa mga naghahin ng courtesy resignation si Transportation Secretary Vince Dizon na ating mga panayam ngayon.
00:07Secretary, magandang umaga po.
00:09Magandang umaga po. Ako ya Igan, magandang umaga po.
00:12Isa kayo sa unang-una nagpasa ng courtesy resignation. Nagkausap na ho ba kayo ng Pangulo?
00:18Hindi pa po, Kuya Igan, pero alam nyo naman po narinig po natin lahat ang ating mahal na Pangulo noong lunes.
00:25At dun po nakikita talaga natin yung sa loobin niya na siya'y frustrated,
00:31siya'y gusto niya talagang ipaibigay sa ating mga kababayan ng mabilis ang mga serbisyo.
00:38At tingin ko po napakalakas na mensahe po yung ginawa niya kahapon na itawag yung courtesy resignations ng buong kabinete.
00:46At syempre po tayo kailangan tumugon sa panawagan ng Pangulo.
00:51Para mapapigis talaga natin yung serbisyo sa ating mga kababayan.
00:57Pero bago lang po kayo na-appoint na sekretary dyan sa DOTR, hindi ho ba kayo nagulat, sekretary?
01:04Well, kagaya natin lahat, syempre nagulat din po tayo.
01:08Pero alam nyo po sa gobyerno po, matagal na rin po akong alabas-pasok sa gobyerno, last two decades na.
01:15Sa gobyerno naman po, lagi tayong at the pleasure of the President o kusino po ang nag-appoint o nag-recommenda sa atin.
01:25At syempre po, kung ang gusto ng Pangulo, talagang mapabilis ang serbisyo at mag-realign.
01:32At dahil dito, humingi siya ng courtesy resignation.
01:36Tauspuso po dapat tayong sumunod sa kagustuhan at utos ng Pangulo.
01:40Totoo bang balita sa pinapakita mong trabaho sa DOTR, mas gusto ng Pangulo makasama ka sa palasyo?
01:47Ay, naku, hindi po. Diyos ko, hindi po. Kuya Igan, sismis-sismis lang po yan.
01:54At sasabihin ko na po sa inyo na yung trabaho nyo na hindi ko kaya.
01:58Ako na po mismo magsasabi.
01:59Anong trabaho nga yun?
02:01Eh, well, may gumagabas-gabas po.
02:03Tinanong din po ako kanina ni Kuya Ted Pailon dito sa interview ko.
02:07Pero hindi ko kaya yun. Kung na-tsismis tayo doon, sana po, huwag na po tayong isama sa tismis na yun.
02:15At napakadami pong problema sa DOTR.
02:18Yung EDSA Rehabilitation, isa sa problema mong kinakaharap, maapektohan ba ito, Secretary?
02:25Alam nyo po, itong EDSA Rebuild natin, tuloy-tuloy na po yan.
02:29Dahil po, decidido ang ating Pangulo na talagang i-rebuild na ang EDSA.
02:35Ah, nakakatawa po ako yung nasa EDSA ngayon.
02:38Puro lubak po dito ngayon, no? Eh, kaya nga po talagang ayusin na natin ito.
02:42Pero ang sabi po ng Pangulo din, kaya nga mag-isip naman tayo ng taraan para hindi naman masyadong grabe ang maging efekto sa ating mga motorista.
02:51Kaya po, yun ang ginagawa natin ngayon.
02:54Kasama na dyan yung proposal natin na ilibri muna ang Skyway habang ginagawa po ang EDSA.
03:00Opo. Sa tingin nyo, may tiwala pa sa inyo si Pangulong Bongbong Marcos, Secretary?
03:08Ah, hindi ko po masasagot yun, Kuya Igan.
03:12Hindi ko po pwedeng sagutin yun at hintayin na lang po natin siguro ang mga desisyon ng Pangulong sa mga susunod na araw.
03:20Sa kabila ng courtesy resignation mo, tuloy-tuloy yung mga trabaho mo dyan sa DOTR.
03:25Opo, yun naman po ang utos natin, Kuya Igan, na habang wala pang desisyon, tuloy-tuloy lang po tayo para tuloy-tuloy po ang servisyo sa mga kababayan natin.
03:36Opo. Maraming salamat, Transportation Secretary Vince Dizon. Ingat po.
03:40Salamat po. Salamat po, Kuya Igan.
03:42Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
03:50Igan, mauna ka sa mga balita.

Recommended