Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arestado sa Bulacan ang ilang miyembro na isa sa mga pinakamalaking crime group sa Japan
00:05at ang kanilang binibiktima, mga senior citizen.
00:10Saksi, si John Consulta, exclusive.
00:19Hindi na nakapalagang mga dayo ang high-profile target sa ikinasang operasyon
00:23ng Intergence Group ng Militar at Bureau of Immigration,
00:26Fugitive Search Unit sa Bulacan at Maynila.
00:30Ang isang ito na sinasabing isa sa boss ng grupo, inabutan pang natutulog.
00:37Ilan buwang din nagsagawa ng surveillance bago tuluyang naroki ang hideout ng mga target.
00:42Kinailangan din nila ang tulong ng San Jose del Monte Police Station at Hermita Police Station
00:46bago mapasok ang safe house.
00:48Medyo naging challenging itong operasyon natin na ito kasi sinusubukan natin na makuha yung pito na subjects natin.
00:55Nung makonfirm nga natin yung mga safe house nila, agad tayong nakipagtulungan sa San Jose del Monte Police Station
01:03at sa Hermita Police Station upang pasukin itong kanilang pinagtataguan.
01:08Ayong sa BI, di basta-basta ang criminal group ang kanilang tinarget na itinuturing na isa sa pinakabalaking crime group sa Japan.
01:16Itong grupong ito ay nanahuli natin ay isa sa mga top leaders nitong JP Dragon Syndicate
01:23na matagal nang nagtatago at nag-ooperate dito sa atin, ang kanilang Telecom Fraud Syndicate.
01:29Sinasabi din na itong grupong ito, karamihan sa mga leaders nila ay mga former Yakuza.
01:35So mao-obserbahan natin yung dynamics ng grupo nila is very similar sa Yakuza.
01:41Ang Luffy Group Syndicate ay nagmula din sa grupo na ito.
01:44Ang pinakamodus daw ng mga dayuhang sindikato,
01:48biktimahin ang mga senior citizen sa kanilang bansa na kung minsan ay nauuwi sa pananakit sa kanila.
01:53Sila ang nagtitimon ng mga gagawin ng mga actors nila sa Japan
01:58kung saan papasukin yung bahay ng mga matatanda,
02:02kukunin yung mga ATM cards at doon nila umpisa ang pagnakawan.
02:06Napakahalaga na mahuli natin at mapadeport sa Japan.
02:09Hindi malayong magkaroon, mag-localize din yung market nila
02:12at magkaroon sila ng mga Filipinos na cohorts
02:14at eventually magkaroon din ng mga Filipino na biktima.
02:18Yun po yung iniiwasan natin.
02:20Wala pang pahayag ang mga arestatong Japanese
02:23na nakakulong na sa BI Detention Facility sa Bikutan sa Tagui.
02:28Para sa GMA Integrated News,
02:30ako, si John Konsulta, ang inyong saksi!
02:33Mga kapuso, maging una sa saksi!
02:37Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
02:39para sa ibat-ibang balita.

Recommended