Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
- Mahigit 40 miyembro ng gabinete at may mga cabinet rank, tumalima sa utos ni PBBM na mag-courtesy resignation sila
- BRP Datu Sanday ng BFAR, binomba ng tubig at 2 beses na ginitgit ng China Coast Guard
- 15-anyos, patay nang magulungan ng dump truck na minamaneho ng kaniyang ama
- SP Escudero, sumulat kay Romualdez para mag-abiso na handa ang Senado sa June 2 para sa impeachment trial ni VP Sara Duterte
- Ilang kabataan, sinamantala ang bakasyon para magpatuli
- GMA Network vs TAPE INC.
- AU Chiefsquad, nakamit ang 6-peat victory sa cheerleading competition
- Entertainment Spotlight: Lowest point ni Alden; Freediving experience ni Mikee
- 2 aso, nilason umano ng kapitbahay; isa namatay
- 2 lawa, twin falls, at sulfur vents sa Mt. Talinis, mga tanawing babalik-balikan sa bundok 


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Mahigit apatapong miyembro ng gabinete at may mga cabinet rank na
00:14ang nagsumite ng courtesy resignation alinsunod sa utos si Pangulong Bongbong Marcos.
00:20Ang ilang grupo hati ang opinion kaugnay rito, lalo't ang ilang nasa posisyon, maayos naman daw magtrabaho.
00:27May report si Ivan Mayrina.
00:30Matapos ang 2025 elections, may napagtanto raw si Pangulong Bongbong Marcos.
00:36Disappointed ang tao sa servisyo ng gobyerno.
00:40Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw ng paghubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman.
00:50At kanina, may inanunsyo malakanyang.
00:53It's time to realign government with the people's expectations.
00:58President Ferdinand R. Marcos Jr. has called for the courtesy resignation of all cabinet secretaries.
01:08Bukod sa buong gabinete, pinagbibitiw din ang Pangulo, ang mga pinunong ahensya at presidential advisor na may cabinet rank.
01:14The people have spoken and they have expected results. Not politics, not excuses. We hear them and we will act.
01:24Sa buong maghapon, mahigit apatapong miyembro na ng kanyang gabinete at mga opisyal na may cabinet rank ang nagbitiw sa pwesto.
01:32Sabi ng Malacanang, aalamin daw ng Pangulo kung ano naging performance sa kanyang gabinete o kung may record sila ng katiwalian.
01:38Saka raw siya magdidesisyon kung tuluyan ang aalisin sa pwesto o makakasama pa niya hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
01:45Siguro ito yung tamang panahon para ipakita nila na dapat sila manatili sa kanilang posisyon.
01:51At ito ho ba ang panahon na makikita natin from here on again yung sinasabi ng Pangulo na marahil kailangan ng mas mabagsik na pamumuno.
02:01Opo, umpisa lamang ito.
02:05Kaninang hapon sa presentation ng mga bagong batas sa Malacanang, may ilan pang dumalo mula sa kanyang gabinete.
02:12Ang Pangulo, nagawa pa magbiro tungkol sa pagpapabitiyo sa kanila.
02:15The Honorable Members of the Cabinet, may lamang pa ba yung gabinete ko?
02:22Who am I addressing now?
02:24We are in flux.
02:33Kabila sa mga ipinissitang batas sa pagtatatag ng Department of Economy, Planning and Development o ang dating NEDA.
02:38Magiging katuwang natin ng DepDev sa pagtiyak sa paggamit ng ating pondo na ipapatupad ang programa ng wasto at naghahatid ng pakinabang sa mamamayan.
02:53May ilang grupo na nagulat sa akabang ng Pangulo sa kanyang gabinete.
02:57Tulad ang Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI.
03:01Gayun din ang Makati Business Club na supportado pa man din ang economic team ng administrasyon.
03:06May ilang grupo naman na supportado ang desisyon ng Pangulo.
03:10Pero meron din namang umaasang ire-retain ang mga nasa posisyon na.
03:14Ivan, may rin na nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:18Binomba na nga ng tubig, ginit-git pa ng China Coast Guard, ang barko ng Bureau of Aquatic, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BIFAR, malapit sa Pag-Asa Island.
03:30Nangyari yan sa gitna ng Marine Scientific Research ng BRP Datusandai sa Sandy K2.
03:36Ayon sa Philippine Coast Guard, dalawang beses pang nanggit-git ang barko ng China.
03:40Nasira tuloy ang kaliwang bahagi ng barko ng BIFAR sa madang uso at smokestack.
03:46Iturawang unang beses na nambomba ng tubig ang China sa may Pag-Asa Island.
03:51Git ng PCG, di titigil ang pagsasaliksik ng Pilipinas doon.
03:56Sabi naman ng BIFAR, nagtagumpay ang operasyon nito sa Pag-Asa Case 1, 2 at 3 sa kabila ng agresyon ng China.
04:04Ayon naman sa China Coast Guard, kasalanan ng Pilipinas ang nangyari.
04:07Nagsagawa lang daw sila ng control measures dahil ilegal na nilang pinasok ng mga barko ng Pilipinas ang Sandy K2.
04:15Isa raw sa mga barko ng Pilipinas ang lumapit at bumanga sa barko ng China Coast Guard.
04:25Kalunos-unos ang sinapit ng isang binatilyo sa Pasig.
04:28Dead on the spot siya, matapos magulungan ng dump truck na minamaneho mismo ng kanyang ama.
04:33Batay sa inisyal na investigasyon, hindi napansin ng tatay ang kanyang 15-anyos na anak na pahinante rin niya.
04:41Naramdaman na lang daw niyang may nabanggas na siya sa likor ang bahagi ng kanyang gulong.
04:46At nang bumaba siya sa truck, doon na niya nakita ang duguang anak.
04:51Inaresto siya habang patuloy ang investigasyon.
04:53Formal lang inabisuhan ng Senado ang Kamara na nakahanda ito sa June 2 para sa paggulong ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
05:04May report si Tina Panganiban Perez.
05:05Sa June 2, alas 4 ng hapon, asahang handa ang Senado na tanggapin ang prosecutors ng Kamara para sa paggulong ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
05:20Bahagi yan ang nakasaad sa sulat ni Senate President Chief Escudero kay House Speaker Martin Romualdez.
05:26I-pipresenta ng prosecution panel sa sasyon ng Senado ang pitong charges na nakapaloob sa articles of impeachment na isinampa laban sa Vice.
05:37At kinabukasan o June 3, alas 9 ng umaga, magko-convene na ang Senado bilang impeachment court na maglilite sa Vice at tatayong impeachment judges ang mga senador.
05:49Tasunod nito, maaari na mag-issue sila ng summons at iba pang kautusan.
05:53Pinadalan din ang kopya ng sulat si VP Sara.
05:57Si Speaker Romualdez naman, sumulat din kay Escudero para ipaalam na natanggap nila ang liham.
06:04Ang House Impeachment Prosecution Panel, balik na sa lingguhang pulong matapos ang eleksyon.
06:09We discussed the letter of the Senate President sent to the House of Representatives.
06:18They expect us to read the articles of impeachment.
06:23In fact, the Senate, I believe it was the Senate who sent the Congress a video of how it is done in the states.
06:37Pag-uusapan pa ng House Impeachment Prosecution Panel kung paano ilalahad ang articles of impeachment sa Senado.
06:44Kung iisang impeachment prosecutor lang ba ang magbabasa ng lahat ng pitong articles o kung may ita talaga sa kada article.
06:52Kanina, lima ang dumaluraw sa pulong.
06:55Wala pa si na ML Partylist Rep. Elect Laila de Lima at Akbayan Partylist Rep. Elect Chelle Diocno na parehong tinanggap ang alok ni Romualdez na maging bahagi ng Prosecution Panel.
07:07Sa Hulyo pa kasi sila makakaupo bilang mamabatas sa pagsisimula ng 20th Congress.
07:13Kailangan din silang formal na maitalaga bilang prosecutors.
07:18May mga tutulong ding pribadong law firms na ayon kay Zamora ay bumibilang ng lima hanggang sampu.
07:24We've had a mock trial before so ngayon siguro medyo iba. We're not interviewing witnesses now at least in the article that I'm handling but we're reviewing all of the documentary evidence that we already have on hand.
07:43Kasama sa mga ipipresentang ebidensya ay ang mga kadudadudang pangalang tumanggap o mano ng confidential funds mula sa Office of the Vice President at DepEd.
07:54Sinisika pa namin makuha ang panig ng vicepresidente kaugnay sa sulat ni Escudero at tungkol sa paghahanda sa impeachment.
08:01Pero dati na niyang sinabing maghahanda na rin ang kanyang mga abogado para sa paglilitis.
08:07Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:13Ngayong tuli season, may paalala ang eksperto at DOH para maging ligtas ang tuli operation.
08:20Narito ang Fitrack Report ni Von Aquino.
08:23Pangangantyao raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpatuli na noong Sabado ang labing isang taong gulang na si Miguel di niya tunay na pangalan.
08:34Para daw po ano, tumakadataka para daw hindi nakasarin.
08:38Inaano na siya ng mga pininisan niya, inaasar na siya, bibinata na kailangan na talagang matuli siya.
08:442,000 pesos daw ang bayad sa pagtuli sa kanya sa isa raw dating lying-in clinic sa Maynila.
08:50Natakot daw siya noong una pero dahil sa anestesia, hindi naman daw siya nasaktan.
08:55Sabi lang po ng doktor, pumigit lang daw at matulog.
09:00Tapos?
09:01Pumigit na lang po at umagad lang po ang labi.
09:05Niresitahan din daw siya ng gamot at pinayuhan na magpaturong maglanggas ng sugat.
09:10Naprod po. Bakit?
09:12Napili.
09:13Ay, dahil ano, sabi binata na daw.
09:17Ayon sa isang urologist, may benepisyo sa kalusugan na pagpapatuli.
09:22Una, mas malinis, mas hygienic siya, mas madali linisin kapag natuli.
09:28And may mga bagong studies ngayon na pag-circumcise yung mga lalaki,
09:33lesser ang chances na magkaroon ng HIV.
09:36Of course, kondom pa rin ang mas importante.
09:39Pero para maging ligtas, payo ng doktor, alamin muna kung may allergy sa anesthesia ang magpapatuli
09:46at kung may history siya ng seizure disorder.
09:49Kasi kung natitrigger yung pain sa bata, baka magkaroon siya na ng ano.
09:56Kung yun ang sa mga factor na magkakaseezure sila, delikado yun.
10:01Ang dosage ng anesthesia depende niya sa edad at timbang ng bata.
10:05Kino-compute din eh ng mga doktor, something like mga 4.5 mg bawat kilo
10:12na hindi dapat lalampas sa 300 grams ang binibigay sa isang bata.
10:24Bihira naman daw ang kaso ng pagkaubos ng dugo dahil sa pagpapatuli.
10:28Kasi yung mga blood vessels doon, maliit lang pero pwedeng mapahinto agad.
10:35Ipitin yung tinuli, yung ari para makontrol yung pagdudugo.
10:40Dapat din anya tiyaki na walang lagnat o history ng infeksyon ng bata ilang araw bago magpatuli.
10:46At para maiwasan ng infeksyon, importanteng malinis ang mga gagamitin sa pagtutuli
10:51at lugar kung saan isasagawa ang operasyon.
10:55Bago magpatuli, dapat hugasang mabuti ang ari, maligo at magsuot ng malinis na damit
11:00at magbao ng masikip na underwear para maipit at mapigilan ang pagdurugo.
11:05May payo rin ang Department of Health sa mga magulang.
11:08Una, dapat ikonsidera kung saan ipapatuli ang anak.
11:11Mas maganda raw magpunta sa institusyon tulad ng ospital.
11:15Kung may duda sa klinik, magtanong at hanapin ng lisensya.
11:18Maari rin i-check sa PRC at hanapin ng lisensya.
11:22Kung online ang usapan, dapat makita, makausap o hanapin pa rin ang doktor.
11:26Kung kailan dapat magpatuli ang isang lalaki, sagot ng eksperto.
11:31Talagay ko kailangan tanongin niyo muna yung bata para hindi naman magkaroon ng psychological trauma.
11:37Ready na ba silang magpatuli at nalinis ba nila yung ari nila?
11:41Kaya na ba nilang linisin at na-retract?
11:44Tagpost ba?
11:45Para hindi magka-infection, kailangan malinis yung pupuntan yung sentro.
11:53Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:23Romeo Halos Hoss Sr., Seth Frederick Bullet Halos Hoss, Malucho Wa Fagar, Micaela Magtoto, at Zenaida Buenavista.
12:34Nagugat ang reklamo sa kabiguan ng mga respondent na i-remit ang nakolekta na ng advertising revenues,
12:40parang o perang nakalaan na dapat sa GMA Network sa ilalim ng isang 2023 assignment agreement.
12:49Ayon sa GMA Network, nilabag ng tape pang kasunduan ang gamitin na ito ang pera para sa kanilang operational expenses
12:55sa halip na i-transfer sa GMA.
12:58Dagdag ng GMA Network, nagsampay ito ng kaso para panagutin ng mga opisyal at para mabawi ang misappropriated amount.
13:05Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagang Tape Incorporated.
13:10Muring nagkampiyon ng Arellano University sa NCAA Season 100 Cheerleading Competition.
13:17Ito na ang kanilang makasaysayang six-peat win.
13:20Muli silang nagpasiklab sa performance.
13:28Nakamit nila ang premium 100,000 pesos na cash prize.
13:33First runner-up ulit ang Altas Perp Squad ng University of Perpetual Health System, Delta,
13:38na may cash prize na 75,000 pesos.
13:41Second runner-up ang Letran Cheering Squad na wagin ng 50 pesos cash prize,
13:46o 50,000 pesos cash prize.
13:49Napabilib ang panel of judges sa galing ng shab na school na lumahong.
13:53Bukod sa distinguished cheerleading coaches and judges,
13:57naroon din si Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV,
14:02and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
14:04palina ang buong management committee ng NCAA.
14:11Halden Richards, nagbahagi ng itinuturing niyang lowest point ng buhay sa GMA Integrated News Interviews.
14:18Last year, medyo, I think that was my breaking point.
14:23Kasi minsan, di ba tayo, we always go out of our way to help other people.
14:30Tulong, tulong, tulong, bigay, bigay, bigay.
14:33Ang nangyari sa akin, pag lingon ko dun sa timba ko, wala na palang natira sa akin.
14:37Tingin ni Alden, nakarana siya ng matinting depresyon,
14:42na lalo pa raw tumindi nang pumanaw ang kanyang lolo nitong Enero.
14:47Para makabangon, nag-focus daw siya sa self-love.
14:51Malaking tulong din daw ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
14:56Mikey Quintos, may magical experience naman sa Bohol.
15:05Nagpakitanggilas ang Sleigh Star sa pag-free dive kasama ang mga nakamamanghang School of Fish.
15:12Ang kanyang underwater adventure, pinusuan ng mga netizen.
15:16Sa Hollywood, Chris Brown, pansamantalang nakalaya matapos magpiansa para sa kaso ng umano'y pananakit sa isang nightclub sa London noong 2023.
15:31Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:35Justisya ang hiling ng isang pamilya matapos mamatay ang isa sa dalawa nilang aso na nilason mano sa General Trias Cavite.
15:48Ayon kay Hugh Scooper Early Joy, asistores Colada.
15:51April 13, nang makita ng kanyang mga pamangkin, ang mga aspi na sina Boboy at Prince na nanginginig at nagsusuka.
15:59Bumanaw si Boboy habang nabuhay si Prince matapos itong iluwa ang kinain na kulay azul na pinaniniwala ang lason.
16:07Patay sa CCTV na nakuha nila, kapitbahay umano nila ang nanlason sa mga aso.
16:13Isang araw kasi bago nito, sinugod daw sila ng kapitbahay na nagrereklamong tinahulan daw ni Prince.
16:20Sa videong ibinahagi sa GMA Integrated News, makikita ang isang taong naglalakad at tila may hinagis sa pwesto ni Boboy.
16:28Matapos ang ilang sandali, kinain ito ng aso.
16:32Kasamang Philippine Animal Welfare Society o POS, kinasuhan nilang itinuturong sospek.
16:38Sinusubukan ng GMA Integrated News na puntahan ang bahay ng sospek, pero sarado ang bahay.
16:44Ikalawa sa pinakamataas na bundok sa Negros Island, at isa sa pinakamahirap na akyatin sa buong Pilipinas, ang Mount Talinis.
16:58Pero bakit nga ba binabalik-balikan yan ng mga hiker?
17:02G-Tai Jan, si report ni Mark Salazar.
17:03Horns of Negros
17:10Sa mga salitang yan, kilala rin ang isa pang aktibong vulkan sa Negros Oriental, ang Mount Talinis.
17:17Ganday walang pintis, sa luntian itong Bihis.
17:22Kahit pa aktibong vulkan, maraming mountaineers ang lagi itong binabalikan.
17:27Hindi lang kasi basta tuktok ang habol nilang makikita rito.
17:30Just this year, it was my fifth time climbing there.
17:34Yung bundok na ito is an all-in-one package.
17:37May dalawang high-altitude crater lakes.
17:41Ang lake na Ilig, ang camping site ng mga mountaineer.
17:45At ang mas maliit na lake, Yagumyum, na kamamang hari ng madataanang dense mossy forest.
17:51Dobling adventure pa ang hatid ng Twin Falls at ang kakaibang mga sulfur vents.
17:58Ang pinaka-challenging na part is yung after ng sulfur vents.
18:02Mayroon doong all akyat.
18:05Yung sulfur vents na yun is parang napaka-eerie but in a way also beautiful.
18:10Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:16Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:22Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.

Recommended