Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/22/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado ang ilang miyembro ng dayuang sindikatong nagtag-u-umano sa Maynila at Bulacan.
00:05Ang mga suspect, miyembro raw ng itinuturing na isa sa mga pinakamalaking crime group sa Japan.
00:11Ang kanilang pinupuntiriya, mga senior citizen. Nakatutok si John Consulta.
00:15Exclusive!
00:20Matapos ang ilang buwang surveillance, natuntun din ng intelligence group ng militar at BI fugitive search unit
00:26ang pinagtataguan ng kanilang mga high-profile target na dayuang sa Maynila at Bulacan.
00:36Ang isang ito na sinasabing isa sa boss ng grupo, inabutan pang natutunog.
00:44Medyo naging challenging itong operation natin na ito kasi sinusubukan natin na makuha yung pito na subjects natin.
00:51Nung makonfirm nga natin yung mga safe house nila, agad tayong nakipagtulungan sa San Jose del Monte Police Station
01:00at sa Ermita Police Station upang pasukin itong kanilang pinagtataguan.
01:05Ayon sa BI, di basta-basta ang criminal group ang kanilang tinarget na itinuturing na isa sa pinakamalaking crime group sa Japan.
01:13Itong grupong ito ay nanahuli natin ay isa sa mga top leaders nitong JP Dragon Syndicate
01:20na matagal nang nagtatago at nag-ooperate dito sa atin, ang kanilang telecom fraud syndicate.
01:26Sinasabi din na itong grupong ito, karamihan sa mga leaders nila ay mga former Yakuza.
01:32So mao-obserbahan natin yung dynamics ng grupo nila is very similar sa Yakuza.
01:38Ang Luffy Group Syndicate ay nagmula din sa grupo na ito.
01:41Ang pinakamodus daw ng mga dayuwang sindikato,
01:45biktimahin ang mga senior citizen sa kanilang bansa na kung minsan ay nauuwi sa pananakit sa kanila.
01:52Sila ang nagtitimon ng mga gagawin ng mga actors nila sa Japan
01:57kung saan papasukin yung bahay ng mga matatanda,
02:01kukunin yung mga ATM cards at doon nila umpisa ang pagnakawan.
02:04Napakahalaga na mahuli natin at mapadeport sa Japan.
02:08Hindi malayong magkaroon, mag-localize din yung market nila
02:10at magkaroon sila ng mga Filipinos na cohorts
02:13at eventually magkaroon din ng mga Filipino na biktima.
02:17Yun po yung iniiwasan natin.
02:20Wala pang pahayag ang mga aristadong Japon na nakakulong na sa BI Detention Facility sa Bikutan.
02:25Para sa GMA Indigrated News,
02:28John Consulta, nakatutok 24 aras.
02:31Hihilingin ang Department of Justice ang pagpapakansela sa pasaporte ni dating presidential spokesperson,
02:39Harry Roque.
02:40Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
02:43nakatakda siyang pumirma sa sulat na isusumiti ng DOJ sa Department of Foreign Affairs.
02:50Alam daw ni Remulia na kailangan munang matapos ang proseso ng aplikasyon ng asylum ni Roque
02:56sa The Netherlands kung saan nakapiit ngayon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
03:01Pero tiwala raw si Remulia na hindi hahayaan ng The Netherlands na takbuhan ni Roque
03:07ang kaso laban sa kanya.
03:09Wala pang pahayag si Roque tungkol dito,
03:11pero una na niyang iginiit na tiwala siyang makakakuha siya ng asylum status.
03:16I'm sure that the asylum application will have to be finished before it's acted upon in the Netherlands.
03:25But we know that the Netherlands will not tolerate the commission of crimes that are being charged in this case.
03:34He will be an undocumented alien.
03:37Pag wala siyang asylum at nakasel ang passport niya, he will have to be deported.
03:42Nagkilos protesta ang isang grupo ng mga manggagawa sa harap ng tanggapan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board
03:52para manawagang itaas sa 1,200 pesos ang minimum wage sa buong bansa.
04:00Naghahain din ang petisyon ng ilang grupo at union para ipanawagan ang dagdag sahod.
04:05Ayon sa grupong Unity for Wage Increase Now, nakita nila sa pag-aaral na 1,200 pesos na ang nakakabuhay na arawang sahod
04:15para sa pamilyang may limang miyembro sa ngayon pinakamataas ang minimum wage sa National Capital Region na nasa 608 hanggang 645 pesos.
04:26Pero giit ng grupo, hindi na sapat ang kasalakuyang minimum wage sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo at mga bilhin.
04:36Sa datos ng Philippine Statistics Authority, pinakamabagal sa loob ng mahigit limang taon ang naitalang 1.4% na inflation rate nitong Abril.
04:48Wala pang tugon ng wage board sa hiling ng grupo.
04:51Mga kapuso, idineklara ni Pangulong Bongbong-Barkos na regular holiday sa buong bansa ang ika-anim ng Hunyo.
04:59Base sa inilabas na proklamasyon ng Malacanang, ito ay upang bigyan daan ang obserbasyon ng Idil-Ada o Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating Muslim.
05:10Gumuho ang bahagi ng isang makasaysayang gusali sa China na nalasa naman ang buhawi sa Amerika at nagbaha sa Australia.
05:18Yan at iba pang balita abroad tinutukan ni J.P. Soriano.
05:27Nagpulasan ang mga bumibisita sa Fengyang Drum Tower sa China.
05:31Nang unti-unting mahulog at tuluyang gumuho ang bahagi ng bubong ng naturang istruktura.
05:40Ang ilang bato, bumagsak kung nasaan ang ilang bumibisita.
05:45Itinayo ang tori noon pang 1375 sa panahon ng Ming Dynasty.
05:50Pero ayon sa lokal na opisyal, ang gumuhong bahagi ay parting itinayo noong 1995.
05:55Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
05:58Sa Tennessee, USA naman.
06:02Ani mo'y papel na nagliparan ang nagkapirapirasong bahagi ng bubong ng isang pabrika dahil sa buhawi.
06:09Wala namang napaulat na nasaktan.
06:12Sunog at wasak ang Army School Bus na ito sa Baluchistan, Pakistan matapos umatake ang isang suicide bomber.
06:20Limang sakay nito ang nasawi, kabilang ang tatlong minor de edad.
06:25Sugata naman ang iba pang sakay na isinugod sa ospital.
06:28Ayon sa otoridad, apat na po ang sakay ng naturang bus na papunta sana sa eskwelahan nang mangyari ang pag-atake.
06:35Kinundin na ito ng kanilang Prime Minister at military na isinisi ang insidente sa anilay Indian Terror Proxies.
06:43Itinanggi naman ng India ang paratang.
06:45Dahil naman sa malawakang baha sa ilang bahagi ng Australia, gumagamit na ng helikopter ang mga rescuer para sagipin ang ilang natrap sa kanilang bahay.
06:54Gaya ng residenteng ito na natrap sa halos abot bubong ng baha.
07:02Gumamit na rin ang bangka ang ilang rescuer para baybayin ang mistulang ilog ng mga kalsada.
07:08Ayon sa Bureau of Meteorology ng Australia, magtutuloy-tuloy pa ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang biyernes bago ito humina.
07:16Kaya't pinaghahanda ang mga residente roon.
07:20Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
07:27Maglalayag sa kauna-unahang pagkakataon ng isang musical concert malapit po sa Pag-asa Island na nasa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas.
07:36Ayon sa grupong atin ito, kasado na ang ikatlong civilian mission sa West Philippine Sea kung saan tampok ang sea concert simula sa lunes, May 26 hanggang May 30.
07:48Layunin daw nitong isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa mga pinag-aagawang teritoryo.
07:53Ilang OPM artist at T-pop group ang magtatanghal.
07:57Kasama rin nila ang ilang artist po mula sa Japan, Indonesia, Malaysia at South Korea.
08:02Lalo ak din ang ilang mga isda at civil society leaders.
08:05Ayon kay atin ito convener, Rafaela David, nakahanda sila sakaling umalbaan China sa gagawing aktibidad.
08:12Mga balotang may shade na at iligal o manong server sa transmisyon ng mga boto.
08:19Kabilang yan sa mga irregularidad daw sa katatapos lang na eleksyon ay sa ilang grupo.
08:25Ang COMELEC itinanggi ang mga aligasyong ito.
08:28Tuloy-tuloy naman ngayon ang random manual audit ng resulta ng eleksyon.
08:33Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
08:38Sampung araw matapos ang eleksyon, ilang grupo ang patuloy na kumukwestyon sa anilang nakababahalang pangyayari nung butohan at bilangan.
08:47Ayon sa alyansa na nagkakaisang mamamayan o anim at Church Leaders Council for National Transformation,
08:55isa riyan ang umano'y pagdaan ng election returns mula sa mga presinto sa isang server kung saan nakokonsolidate umano ito.
09:03Bago iba to sa server ng election watchdogs, dominant majority and minority parties, media at iba pa.
09:10From the ACMs, in the precinct level, hindi siya dumiretsu dito.
09:17Pinadala sa tatlo.
09:20Central server, COMELEC, backup server, COMELEC, data center 3.
09:27At itong data center 3, ito yung nagpadala sa PPCRV, NAMFREL, media server, dominant majority political party, dominant minority political party.
09:43So the presence of this is illegal and unlawful.
09:47Itong data center 3, ito din yung nagconsolidate ng all election returns from all precincts nationwide, all by itself.
10:02Mariing itinanggi ng COMELEC na may hokus-pokus sa transmission ng resulta.
10:07Anila mula sa mga presinto, sent to all ang election returns at wala nang dinaanan.
10:13Kahit po sa website namin, alas 7 ng gabi, available na po sa website ang lahat ng mga pinapadalang election returns.
10:20Andali naman po nila i-verify kung tumutugma yung election returns na nasa website ng COMELEC na real-time
10:27versus yung nakuhang kopya ng election returns na hard copy or yung napikturan sa labas ng presinto.
10:34Wala pong intermediary server. Direct po.
10:36Nababahala rin daw ang mga grupo sa ilang reklamo noong mismong araw ng eleksyon na may balota o manong na-shade na.
10:44O kaya naman ay hindi match ang resibo sa ibinoto.
10:47In the 2025 midterm elections, Namfra reported that the total overbote was 17,028,780.
10:59Thousands of voters complained that their vivipats or voters' receipts did not reflect the list of candidates they voted for.
11:06May nadagdag, may nabawas.
11:09Many also complained that the ballots issued to them were pre-shaded or were the names of certain candidates nakashaded na.
11:18Sabi ng COMELEC, kung nagreklamo ang butante sa election board noong eleksyon na itala ito sa official record,
11:25pwede rin daw maging bahagi ng election protest ang reklamong ganito.
11:30The best evidence pa rin yung mismong balota na hinulog nyo.
11:33So mga ganun po. At bakit walang nag-record sa minutes ng complain,
11:38oi, yung boto ko hindi tumutugma sa balota, nire-record po dapat yun eh.
11:42Bakit po walang nakapagpa-record?
11:43Alam nyo po bang pag nagprotesta, ang titignan din lagi,
11:46yung mismong mga minutes, may nagreklamo ba na ang boto niya ay hindi at kumpara doon sa mismong resibo.
11:53Sa presko ng dalawang grupo, dumalo rin ang ilang election watchdog.
11:57Ipinaliwanag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV
12:02na mati-check naman kung nabilang nantama ang boto
12:05sa pamamagitan ng isinasagawa ngayong random manual audit sa isang hotel sa Pasay City.
12:12Ngayong araw, ilang election protest sa iba't iban lugar ang isinampas sa COMELEC main office.
12:18May sampung araw lang kasi ang mga natalong kandidato para magprotesta
12:22mula sa araw na naproklama ang kanilang kalaban.
12:26Si dating Cebu City Mayor Mike Rama,
12:28pindrotesta ang pagkapanalo ni Counselor Nestor Archival bilang alkalde ng siyudad.
12:34Kiniwestyon din niya ang kredibilidad ng automation system.
12:37Ikatlo si Rama sa may pinakamaraming boto sa pagka-mayor,
12:40kasulot ni incumbent mayor Raymond Alvin Garcia.
12:43Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok, 24 oras.
12:48Inaresto ang alkalde ng South UPy Maguindanao del Sur at kanyang asawa
12:55na pawang itinuturong mastermind sa pananambang sa vice mayor ng kanilang bayan.
13:00Ilan sa mga iniimbestigahang motibo, ang personal na away at away sa lupa.
13:06Nakatutok si June Veneracion.
13:07Mayroon po ba si Mayor Robert Insulag?
13:14Mayroon po kayong warrant operas?
13:19Hawak ngayon ng PNP-CIDG ang mayor ng South UPy Maguindanao del Sur
13:23na si Raynalbert Insulag at kanyang asawang si Janet.
13:28Makarang mag-issue ang korte ng warrant of arrest laban sa kanila.
13:31Mayroon po kayong kasong murder, REC, Article 248, Frustrated Murder, Attempted Murder.
13:38May kinalaman ang mga kaso sa ambush noong nakalang Agosto
13:41kung saan patay ang vice mayor ng South UPy na si Roldan Benito at kanyang security
13:47kasama naman sa mga nasugatan ng pamilya ng vice mayor.
13:50Sa report ng CIDG, itinurong mastermind ang mayor at kanyang asawa sa pananambang.
14:08Kabilang sa kanusinira ng mga embestigador ng motibo,
14:11ang personal na away at hindiwaang may kinalaman sa lupa.
14:14Ang sumukong mayor ay tumakbo at nanalo bilang vice mayor ng South UPy nitong nakarang eleksyon.
14:25Ang kanyang asawa naman ay natalo sa pagka-mayor.
14:40Sinusubukan pa namin makuha ang palig ng mag-asawa.
14:43Para sa GMA Integrated News, June Van Anasyon na Katutok, 24 Horas.
14:55Makakapuso, posibleng magtagal pa ng ilang araw ang maulang panahon sa Mindanao.
15:00Sa heavy rainfall outlook ng pag-asa, may matitinding ulan pa rin.
15:04Bukas sa ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soxarjan at Davao Region.
15:08Wala pong bagyo o bagong low pressure area pero malaki ang bantanambaha at landslide dahil ayon sa pag-asa.
15:15May chance ang magpatuloy hanggang weekend ang mga pagulang dala ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
15:20Sa ngayon, bukod sa ITCZ, mayroon ding ridge ng high pressure area at easterlies.
15:27Karamihan sa mga lugar na makararanas ng heat index na nasa danger level bukas ay nasa Luzon at Visayas.
15:34Ang pinakamataas, posibleng umabot sa 46 degrees Celsius.
15:38Hanggang 41 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
15:41Base sa datos ng Metro Weather, bukod sa halos buong Mindanao, may chance rin ang ulan sa Visayas, Ilocos Region at Southern Luzon.
15:47Kasama ang Bico Region sa Metro Manila.
15:50Malinsangan pero maging handa pa rin sa mga biglaang pagulan gaya ng naranasan kanina sa ilang lusod.
15:56Kahit napapadalas na ang mga pagulan sa ilang lugar nilinaw na pag-asa na hindi pa opisyal na pumapasok ang tagulan.
16:03Patay ang isang lalaki sa Cotabato matapos anurin habang tumatawid sa ilog.
16:11Nawasak naman ang tulay sa Davao Occidental habang umabot sa 50,000 pamilya ang apektado ng bahasa Maguindanao del Sur.
16:21Nakatutok si Dano Tingkungko.
16:22Malakas ang ragasa ng kulay tsokolating ilog sa Don Marcelino Davao Occidental, munsod ng malakas na ulan.
16:35Sa bayan ng Jose Abad Santos, nasira ang unang bahagi ng tulay sa Sityo Lawayo.
16:40Ang ilang motorista tuloy sumuong na sa ilog.
16:45Ayon sa DPWH-11, bagamat nakaantabay ang kanila mga tauhan at mga heavy equipment ay hindi agad nasimula ng pagkumpunay sa tulay,
16:53bunsod ng masamang panahon at mataas na level ng ilog.
16:57Sa Maguindanao del Sur, nagkatuwaan at naglibang na lang sa bahang ilang residente.
17:02Ginagawa lang nila talagang kasiyahan.
17:05Instead of malungkot sa bahay, gumawa ng maklumok, ay ginagawa nila every afternoon talaga na naliligo sa labas.
17:12Sa tala ng Maguindanao del Sur, PDRRMO, umabot na sa mahigit 50,000 pamilya sa 12 lungsod at bayan ang apektado ng bahasa lalawigan.
17:22Mahigit 1,300 pamilya ang nananatili sa 10 evacuation centers sa mga nasabing bayan.
17:29Naghatid na ng tulong sa Dato Piyang ang Project Tabang ng Bang Samoro Government, gayon din sa mga bayan ng Dato Saudi, Dato Salibo at Dato Hofer.
17:38Ang kanilang quick response team rumesponde naman para ilika sa mga natrap na pamilya sa Dato Anggal Midtibang.
17:44Nag-abot din ang tulong ang Ministry of Social Services and Development o MSSD.
17:50Kabilang sa ipinamahagya ay mga pagkain, hygiene kits, cooking kits, higaan at iba pang pangangailangan.
17:56Sa bayan ng Alamada, sa Cotabato naman, wala nang buhay ng matagpuan sa Libungan River ang isang lalaking 60 anyos.
18:04Ang biktima na anod umano ng baha kasama ang kanyang anak na 30 anyos habang tumatawid sa Tuwaan River nitong Martes ng hapon.
18:11Kasama niya yung anak niya, tumawid, tapos naabutan ng ulo ng baha.
18:16Naanod silang dalawa mga 100 meters.
18:19Sadly, yung tatay po is nakabitaw doon sa anak kaya naanod po yung tatay sir.
18:24Yung anak is nakasurbide.
18:26Ayon sa pag-asa Intertropical Convergence Zone o ITCZ pa rin ang umiiral at nagdadala ng masamang panahon sa Mindanao.
18:34Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkungko Nakatutok 24 Horas.
18:37Arestado sa PASIG ang dalawang babaeng estudyante na tulak umano ng iligal na droga.
18:44Nakumpis ka sa kanila ang mayigit 700 gramo ng umunay siyabuh na nagkakalaga ng umigit kumulang 5 milyong piso.
18:51Kapwa, labing walong taong gulang ang mga suspect.
18:54Nakadetain sila at makakarap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
19:00Takkaku.

Recommended