00:00Samantala, supportado ng mga motorista ang muling pagpapatupad ng no-contact apprehension policy sa Metro Manila.
00:06Bukod kasi sa mawawalan na raw ang mga kamote rider sa kalsada, magiging iwas ko tong din.
00:13Yan ang ulat ni J.M. Pineta.
00:17Naniniwala ang motorcycle taxi driver na si Jason na posibleng maging daan ang pagpapatupad muli ng no-contact apprehension policy
00:24sa pag-ayos ng trapiko sa Metro Manila.
00:26Pero dapat aniya, maabisuhan ang mga motorista ng maayos.
00:31Okay naman yun para sa mga kaayos na nadaling ng trapiko.
00:34Pero pabigat din kasi sa mga ibang motorista na mabibigla yung may huli bala silang darating sa bahay.
00:43Approved din kay Simon ang pagpabalik ng N-CAP.
00:46Bukod kasi sa matatanggal ang mga kamote rider sa kalsada, iwas kotong din umano ito.
00:50Talagang okay yun kasi iwas sa kotong, mga lagay-lagay.
00:56Karamihan sa mga motorista pabor sa pagbabalik ng no-contact apprehension policy o N-CAP.
01:01Sa ilalim nito, tanging mga CCTV na nakakalat sa mga kalsada na hawak ng MMDA ang magiging mata ng ahensya.
01:09Walang mga enforcers na maninikit o manguhuli dahil ang mga kamera ang mismong kukuha ng litrato
01:14kung may pasaway na motorista na lalabag sa batas trapiko.
01:17Isa ang Commonwealth Avenue sa mga tututukan ng MMDA, lalo na at isa ito sa mga major tour fairs sa Metro Manila.
01:24Dito rin pinapatupad ng mahigpit ang motorcycle at bike lanes.
01:28Kasama rin sa babantayan ng MMDA ang EDSA, C5, Rojas Boulevard, Marcos Highway, Ortigas at mga mabuhay lanes.
01:36Sa sobrang high-tech nga ng mga kamera, walang kawala ang mga kamotiriders dahil kaya kasing i-zoom at makita ang mga plaka na mga sasakyan
01:45ang mga traffic violations gaya ng no seatbelt, disregarding traffic sites.
01:50Mabibilis at di maingat magpatakbo o reckless driving, illegal parking at iba pa ang mga tututukan ng ahensya na madalas gawin ng mga pasaway na motorista.
01:593,000 ang pinakamalaki na posibling multa nakakaharapin ng mga motorista.
02:03Kung lumabag ang isang driver, ipapadala lamang ang notice of violation sa adres ng may-ari ng kotse
02:09at nakalagay dito ang litratong patunay na may violation ka.
02:13Nakikipag-usap na rin ang Land Transportation Office sa MMDA para sa mas maayos na sistema ng pag-multa gamit ang single-ticketing sistema.
02:20Dito kasi ay may standard at iisa lamang ang presyo ng mga multa at penalty sa buong Metro Manila.
02:26Makikipag-ungdayad pa kami. MMDA just called us last night to set a meeting so that we can streamline again the process
02:34by which LTO at MMDA can cooperate and make this as fast and easy as possible.
02:41Pag-uusapan pa namin yung flow.
02:45Para naman sa Department of Transportation, dapat maging maayos ang sistema at proseso sa pagbabalik ng NCAP,
02:51lalo na at marami mga second-hand na kotse na hindi pa nalilipat ang pangalan sa mga bagong may-ari.
02:57Malaking bagay naman umano ang pagpapatapat nito para sa traffic management na gagawin ng MMDA
03:02habang isinasagawa ang EDSA rebuild.
03:05JM Pineda, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.