Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/21/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Malapit na naman ang tag-ulan at kapag-mantanasang ulan, baha agad sa ilang lunsod sa Metro Manila.
00:06Sa Marikina City, magsasagawa ng lokal na pamahalaan ng mga flood control project.
00:11May unang balita live si EJ Gomez.
00:15EJ!
00:20Igan, puspusa ng mga hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.
00:24Ngayong papalapit na ang tag-ulan dito sa Marikina City.
00:28Partikular no, dito sa ilog, ilang buwan nang ginagawa ang dredging.
00:32Kasabay niyan, itong widening para mapaluwag yung ating river at mapataas yung water capacity nito at maibsan ang pagbaha sa syudad.
00:47Isa ang Marikina sa mga lugar sa Metro Manila na nakararanas ng matinding pagbaha kapag tag-ulan.
00:54Sa tuwing naapawang ilog, halos hindi na makita ang signage ng Marikina.
00:59Ayon sa pag-asa, pusibling magsimula ang panahon ng tag-ulan sa bansa sa unang linggo ng Hunyo.
01:06Kaya naman dito sa Marikina, ngayon tag-init pa,
01:09puspusan ang mga ginagawang programa ng national at local government para maibsan ang pagbaha sa syudad.
01:15May dredging o paghuhukay ng putik sa ilog na ilang buwan na raw ginagawa ayon sa Marikina River Park Authority.
01:21Late September, hanggang ngayon, dire-diretso.
01:27Siguro more or less mga 20,000 trucks na dinadala yan doon sa mga low ano namin.
01:37Yung dating binaba, doon namin inilalagay yun para tumaas.
01:43Napakalaga ng dredging kasi ito sa mga programa natin pagdating sa prevention and mitigation.
01:49Nakakatulong ito para mas malaki yung water carrying capacity ng river natin given na ang Marikina is flood prone.
01:58Kabilang din sa flood control efforts ng Marikina, ang Pasig Marikina River Channel Improvement Project.
02:04Nasa 50 to 55 meters ang lapad ng Marikina River ngayon na magiging 80 to 100 meters sa pamamagitan ng ginagawang widening.
02:11Ang dredging naman nasa humigit kumulang 3 meters.
02:14Sa kabuan, halos doble raw ang magiging water capacity ng Marikina River kapag natapos ang mga naturang proyekto.
02:22Nakahanda na rin daw ang Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO sa pagpasok ng tag-ulan.
02:30Nakapreposition na ang mga outboard motor na ginagamit sa mga rescue boat.
02:34All set na rin ang 26 units ng aluminum paddle boat, gayon din ang mga ambulansya at rescue tender truck.
02:42Nakaayos na rin ang mga life vest, life boy, aerial basket, mga tali at salbabida para sa pag-rescue.
02:49Lagi nating ine-expect yung worse, kaya naman lagi nating pinaghahandaan ito.
02:55Konting ulan lang yan, hindi. Konting ulan lang, mahina man yan o malakas, dapat lagi kami prepared.
03:00Ano palang elevation 14. Wala pang bahayon. Elevation 14. Activated na lahat kami.
03:11Ganong-ganong kahanda ang city. Nakaredy ng aming evacuation centers. Lahat.
03:16Igaan bukod doon sa widening, kasama rin dito sa Pasig Marikina River Channel Improvement Project
03:32ay itong upgrading at protection ng river banks at pagkakaroon ng floodgate.
03:38Kasama rin dyan, yung pag-upgrade din daw ng outpull o yung mga tubo na dinadaanan ng mga drainage papunta dito sa ilog.
03:48At yan, ang unang balita mula rito sa Marikina City.
03:53EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:57Igan, mauna ka sa mga balita.
03:59Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
04:05Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.

Recommended