Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/21/2025
Kukuha ang DepEd ng dagdag na 16,000 guro ngayong taon para tugunan ang problema sa teacher-student ratio. Pero sabi ng isang grupo, kulang pa ‘yan dahil mahigit 100,000 ang kabuuang kakulangan sa mga guro.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kukuha ang DepEd ng dagdag na 16,000 guro ngayong taon para tugunan ang problema sa teacher-student ratio.
00:07Pero sabi po ng isang grupo, kulang pa yan dahil mayigit 100,000 ang kabuang kakulangan sa mga guro.
00:14Nakatutok si Ian Cruz.
00:19Dalawang magkasunod na taon ng aplikante si Cecilia para makabalik maging guro sa public school.
00:24Noong nakarang taon, di raw siya pinala dahil sa kakulangan ng mga sertifikasyon at ilang kasanayang kailangan para matanggap ng guro ng Department of Education.
00:34Naayos na raw niya ang mga requirements.
00:37Kaya sana raw, makuha na siya ngayong taon lalot na balitaan niyang may 16,000 na guro ang kukuni ng DepEd.
00:45Magandang balita po sa amin na mga nag-a-apply, mga applicants po.
00:49Mas lumaki po yung pag-asa namin na magkaroon po kami ng trabaho at makapasok po kami sa public school.
00:59Pumaasa ang DepEd na sa pagdaragdag ng mga guro, mapapaganda na ang teacher-student ratio ng bawat klase na kritikal para matuto ang mag-aaral.
01:10Patuli din daw na tinututukan ng DepEd ang hiring ng mga guro sa bawat regyon para matiyak na hindi naantala ang appointment nila.
01:17Ayon pa sa DepEd, bilang suporta sa direktiba ng Pangulo na makapag-concentrate sa silid-aralan ng mga guro,
01:25sinimula na rin ang DBM ang pag-i-issue ng NOSCA o Notice of Organization, Staffing and Compensation Action para sa pagkuhan ng 10,000 admin staff ng DepEd.
01:36Madali lamang daw malaman kung may kakulangan talaga sa guro ang isang paaralan.
01:41Sumilip lamang sa mga klase at makikita ang indikasyon na nagsisiksikan ang mga estudyante sa isang silid-aralan.
01:50Pero sabi ng Teachers Dignity Coalition, nasa 100,000 umano ang kabuang kulang na guro sa bansa.
01:57Kung na-address nila yung shortage at nagkaroon tayo noong 20,000 last year plus 16,000 this year,
02:05so kulang pa rin ng more than 60,000 yung guro natin para ma-address natin at maibigay natin yung talagang kailangang number of teachers.
02:18Mahalaga raw magtuloy-tuloy ang hiring ng guro.
02:20Dahil sa kakulangan ng mga guro, nasa sakripisyo raw ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral
02:26habang nangangahulugan naman ng mas mabigat na trabaho para sa mga guro.
02:31Dalawang bagay nga yan, tumataas yung trabaho niya dahil check-check ka niya isa-isa yung mga trabaho ng mga bata,
02:37yung exercises, yung grades niya, yung gagawin niya isa-isa.
02:40Individual yun eh.
02:40At hindi niya rin natututukan yung individual needs ng mga bata natin in terms of learning and even behavior.
02:49Sinisika pa ng GMA Integrated News sa makuhang paning ng DepEd bukul sa pahayag ng TDC.
02:55Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.

Recommended