- 5/20/2025
Panayam kay Office of Civil Defense, Spokesperson, Dir. Chris Noel Bendijo ukol sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan at update sa San Juanico Task Group (SJTG)
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pag-ahanda ng pamahalaan sa panahon ng tag-ulan at update sa San Juanico Task Group,
00:05ating alamin kasama si Director Chris Noel Bendijo, ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense.
00:12Director Chris, magandang tanghali po.
00:15Director Cheryl, Sir Joshua, magandang tanghali po.
00:18Director, kamusta po sa mga oras na ito ang pag-ahanda ng OCD dahil papalapit na po ang tag-ulan sa bansa?
00:25Meron po ba kayong mga standard procedures na inyong isinasagawa na ngayon?
00:30Alam niyo po, Director Cheryl, bago pa man dumating itong panahon ng tag-ulan,
00:35alam naman po natin kakaiba na rin po talaga yung panahon ngayon.
00:38Itong ating gear line, itong ating ITCZ ay nagpapabagsak ng ulan.
00:42Kung kaya, umpisa pa lang po ng taon, minabuti na po ni Yusek Ariel na po Moseno
00:47na mag-conduct ng ating mga command conferences kung saan tinitiyak natin ang inventaryo ng mga kagamitan
00:52ng mga regional offices ng ating OCD.
00:55At bukod po dito, yung ating ugnayan naman sa ating local pati na rin sa provincial
01:00hanggang sa barangay, disaster risk reduction management offices ay ating pinaiigting
01:05at nang sa ganon maalaman natin ano yung mga pangangailangan on the ground.
01:09Alright. Director, nabanggit mo yung mga kagamitan at yung koordinasyon nyo sa mga lokal na pamahalaan.
01:14Maliban po dito, meron na rin po ba ang national level contingency plan
01:18para sa mga posibleng pagbaha, landslide, o iba pang kalamidad na dulot ng tag-ulan?
01:24Meron po tayong national plans. Meron po tayong 2024 National Disaster Response Plan.
01:30At kamakailan lamang, meron po tayong movement na magkaroon ng updated National Harmonized Contingency Plan.
01:37Ang intensyon po dito ay lalong pag-ibayuhin yung partisipasyon ng private sector
01:42pagdating sa disaster response. Pero bukod po dito, may dagdag po natin,
01:46ang bawat province at bawat locality at bawat LGU, meron po silang personalized at customized na contingency plans.
01:54Dahil dito po papasok talaga yung immediate response.
01:58Dahil alam naman po natin, pagdating sa disaster response, yung kanya-kanyang peculiarities ng bawat lokasyon
02:04ay mananaigno kung kaya't iba-iba talaga ang contingency plans sa bawat lugar.
02:09Director Chris, kamusta naman po ang koordinasyon ng OCD sa mga lokal na pamahalaan
02:14pagdating sa disaster preparedness?
02:18USEC March, good afternoon.
02:19Pagdating naman sa koordinasyon sa lokal na pamahalaan,
02:22yan ang number one na ginagawa natin pagdating ng sakuna.
02:25Ang ating regional offices ay nag-i-establish ng link sa ating mga lokal at provincial government units
02:32at ito naman ay kinokonekta sa ating NDRMC.
02:35So kung kinakailangan mag-augment ng mga goods, mga non-food items, mga shelter, mga hygiene kits,
02:42ito ay pinagbibigay alam agad sa ating national government upang mag-augment tayo ng mga servisyo
02:47at nang sa ganon matugunan agad ang disaster na ina-address ng ating mga local government units.
02:52Director, kaugnay naman po sa usapin ng evacuation centers,
02:57kamusta po ang pagpapatayo ng mga permanenting evacuation shelters ngayon?
03:03Kamakilan lamang, atin ang nabalangkas at naaprubahan ng full council ang Ligtas Pinoy Centers IRR.
03:10Ang susunod pong hakbang dito ay magsusumiti po ang ating mga local government units
03:15ng mga lokasyon kung saan po maaaring maitayo ang mga evacuation centers na ito.
03:19Ganon pa man, alam po natin, medyo may katagalan pa po ang implementation nito,
03:25baka po ito ay maging bahagi na ng 2026 budget.
03:28So as an interim measure, sinisigurado po natin yung mga current na evacuation centers natin
03:34kung merong kailangan i-repair, kung merong kailangan i-retrofit, ito po ay ina-address kaagad natin.
03:39Ganon pa man, baka next year at next-next year, implementation na po tayo ng ating Ligtas Pinoy Centers Act.
03:45Director Chris, follow up lang po, meron na po ba tayong ideya kung ilan po mga evacuation centers
03:52yung tina-target po natin na may talaga sa ngayong taon o sa susunod po na taon?
03:58Ayon sa Ligtas Pinoy Centers, Yusek Marge, ang intensyon po dito ang bawat city at municipality
04:04ay magkaroon ng isang Ligtas Pinoy Center.
04:07Ito ay isang resilient na evacuation center kung kaya't ito ay permanent in nature.
04:11Ganon pa man, alam naman po natin, hindi po pantay-pantay ang risk exposure ng ating mga local government units.
04:18Kung kaya't after po maipasa at maaprubahan itong IRR po natin,
04:23ang magiging next pong hakbang ay mag-identify ng mga location na ipaprioritize po natin.
04:28Parang sa ganon, sa 2026 budget po ng DPWH,
04:32ito pong mga location na ito ang una pong pagtatayuan ng ating mga Ligtas Pinoy Center.
04:36So, dyan po papasok kung meron pong vulkan sa inyong lugar, dyan po papasok kung kayo po ay madalas tamaan ng bagyo,
04:43at syempre po, yung mga landslide-prone areas.
04:45Ito po ay lahat ng mga kondisyones na titignan po natin upang magkaroon po tayo ng priority list
04:50sa mga lugar na pagtatayuan ng mga Ligtas Pinoy Centers.
04:54Alright, Director Chris, nabanggit mo yung mga lugar na may vulkan o yung malalim bahain ng mga galawigan.
05:00Pero pakipaliwanag po ng konti para mas maintindihan din ng publiko yung inyong mga hakbang na ginagawa ng OCD
05:05para maging strategical yung pagtatayo ng itong mga permanent evacuation centers.
05:11Ang OCD po ay party po lamang ng grupong magdidetermine ang mga lokasyong ito.
05:17Kasama po natin dito ang ating mga science-based agencies,
05:20ang DOST, ang FIVOLCS, ang Pag-ASA, pati na rin ang DNR, Mines and Geosciences Bureau.
05:26Ang una pong tinitingnan po talaga pagdating sa pagtatayo ng ating mga Ligtas Pinoy Centers
05:31is yung site suitability.
05:34Ayaw po ng ating Pangulo na magtatayo tayo ng evacuation center na kung saan pasok ito sa danger zone.
05:40Dahil kapag lumaki po, halimbawa, at nag-escalate ng alert level ng vulkan,
05:44kahit po yung nasa loob ng evacuation center ay i-evacuate din po natin.
05:48Kung kaya, ang intensyon po talaga dito, una, site suitability.
05:51Ano yung mga lugar na least susceptible sa mga flooding, sa mga epekto ng vulkan.
05:58At ito po ay ginagawa natin kasama ng mga teknolohiya, mga applications mula po sa DOST,
06:04yung kanila pong hazard hunter pH, yung kanila pong mga mapping.
06:08At nang sa ganun po, yung mga madedetermine nating lokasyon,
06:10alam po natin na ito po ay least susceptible sa mga ganitong disasters.
06:15Okay, Director Chris, for the time being po,
06:18ano po ang immediate alternative step habang hindi pa po ito natatapos?
06:23In the meantime, Yusek Marge, we'll have to revisit yung ating mga existing evacuation centers.
06:30For example, if we go to Canlaon, meron po tayong nakatayong tent city sa Himamayla.
06:36Pero gaya po nang sabi ng ating Pangulo, ito pong mga ganitong interim measures,
06:40these are only temporary.
06:42At ang gusto niya, looking forward, e yun nga po, papunta tayo sa ligtas po ng centers,
06:46mas permanent, mas resilient.
06:48So, for the meantime, habang kinukumpunin natin itong scorecard, no,
06:52dinedetermine natin itong priority list of locations
06:55ng mga LGUs at mga provinces na ipaprioritize natin sa pagpaptayo ng ligtas po ng center,
07:01e dadalawin po muna natin yung ating mga existing evacuation centers
07:04kung merong kailangan i-retrofit, kung merong kailangan i-repair.
07:07Pansamantala, ito po muna yung ating interim measure.
07:10Director, paano naman po tinutugan na ng OCD ang issue ng accessibility,
07:16lalo na po sa mga liblib na lugar?
07:20Tama po yan, no. Again, kasama po yan doon sa site suitability.
07:24Dito naman po may partisipasyon ang local government units
07:27dahil sila naman din po talaga ang first responders pagdating sa disaster, no.
07:31So, sila rin po ay may kaalaman sa kanilang mga citizen sila, no,
07:37yung mga nakatira sa remote places
07:38at kasama din po dapat ito sa kanilang mga contingency plans.
07:42Having said that po, yung pong lokasyon ng ating evacuation centers,
07:46yung pong ating mga ligtas pinoy centers,
07:48kasama po dyan yung distansya, no,
07:50mula po sa mga komunidad na tutugunan nito,
07:53kung kaya't possibly po talaga na mga several LGUs po, no,
07:58maaaring mag-share po sa isang evacuation center
08:01at nang sa ganun matiyak po natin,
08:03kahit po yung mga nasa liblib na lugar,
08:05ay meron pong access directly sa ating mga evacuation centers.
08:08Speaking of evacuation centers,
08:10sa pakilarawan mo rin, Director,
08:12yung standard nung design ng evacuation center
08:15na batay sa pamantayan ng DPWH.
08:20Tama po yan, no.
08:22Doon po sa ating binalangkas na implementing rules and regulations,
08:25sa rule 3 po,
08:26dito po nakasaad ang mga standards na mga struktura, no.
08:30So, bukod po sa pag-emphasize natin
08:32na dapat ito ay compliant sa building
08:33at structural code of the Philippines,
08:36nakalagay din din po dito, no,
08:37halimbawa, ito po ay dapat resilient
08:39sa 300 kilometers per hour na wind speed, no.
08:42Dapat po, ito po ay resilient
08:45at makaka-withstand ng seismic activity
08:47ng hanggang magnitude 8.0 na lindol, no.
08:50So, ito po ay nangangahulugan
08:52na ito po talaga ay mga shelters, no.
08:54Ito po talaga ay life shelters
08:55na hindi po maaaring magtatayo tayo ng mga tent city
08:59dahil gaya po ng inutos ng ating Pangulo,
09:02yung mga ganitong temporary na struktura
09:04ay ayaw na po niyang ganito
09:05ang ating mga solusyon
09:07pagdating sa disaster response.
09:08So, ito lang po ay ilan sa mga bagay, no,
09:10sa mga standards na itinilaga natin
09:13sa loob ng IRR
09:14at nang sa ganon,
09:15masigurado natin
09:16na yung ating mga ligtas-panoy centers
09:18ay matitibay at resilient.
09:19Director, sa kasulukuyang sitwasyon naman,
09:22po sa paligid ng Balkang Kandaon,
09:24ano po ang update
09:25sa plano ng pagtatayo
09:27ng permanent evacuation center
09:29sa loob ng 4 to 6 kilometers danger zone?
09:34Yung pong danger zone na ito,
09:36Yusek Marge, no,
09:36very clear na po yung instruction
09:38ng ating president.
09:39If possible talagang,
09:41as far as practical rather,
09:42dapat po talagang ma-relocate na
09:44yung ating mga kababayang
09:45nasa loob ng 4 to 6 kilometer danger zone, no.
09:47Hanggat maari, hanapan sila
09:49kung saan sila makakalipat
09:52ng lugar, no.
09:53Dahil hindi po pwede
09:54sa tuwing mag-aalboroto
09:56ang Balkang Kandaon,
09:57ayun pong nasa loob ng
09:584 kilometer danger zone
09:59ay lagi na lang natin
10:00i-evacuate at dadalhin
10:02sa mga evacuation centers.
10:04Ganon pa man,
10:05alam naman po natin,
10:06hindi po ganon ito kadali, no.
10:07Kung kaya pinaprioritize po natin
10:09ang Kandaon,
10:10itong Negros region,
10:11at nang sa ganon,
10:12baka pa pwede sila
10:13ang mauna, no,
10:14sa pagpapatayo natin
10:15ng evacuation centers,
10:16bukod pa po sa mga
10:17relocation sites
10:18sa ating mga kababayan
10:19na nasa loob
10:20ng 4 kilometer danger zone.
10:22Director, sa ngayon po,
10:23ilang individual na po
10:24ang kasalukuyang
10:25nasa evacuation centers
10:27na apektado ng kanlaon?
10:29At ano po kaya
10:29ang kondisyon nila sa ngayon?
10:32Sa kasalukuyan po,
10:34meron po tayong
10:34mga 2,551 displaced families
10:38na nasa loob
10:39ng ating evacuation centers.
10:41Ito ay nangangahulugan
10:42ng mga mahigit
10:438,000 individual.
10:44Sila ay nakadistribute
10:46sa 21 na evacuation centers
10:48dahil nga po
10:49sa pagpapatuloy
10:50ng pag-aalboroto
10:51ng kanlaon, no.
10:52At alam naman po natin,
10:54no, napakahira po
10:55nung kanilang sitwasyon
10:56dahil magmula pa po
10:57nung December 9,
10:58kung kailan po
10:59nagumpis sa mag-alboroto
11:00ang kanlaon,
11:01eh hanggang sa kasalukuyan
11:02sila po ay nasa
11:03evacuation centers pa rin.
11:05Pumapasok na po
11:06yung tinatawag nilang
11:07food fatigue, no,
11:08dahil yung ating mga
11:09food items
11:09na pinoprovide
11:10ng DSWD,
11:12eh nagkakaroon po talaga
11:13ng pagkakaumay, no,
11:14nagsasawa na po talaga.
11:16At dito naman po
11:17pumapasok yung
11:18kahalagahan ng
11:19partisipasyon
11:19ng private sector
11:20dahil marami po tayong
11:22mga kababayan, no,
11:23na tumutulong sa ating
11:24mga evacuees
11:25nasa kanlaon
11:27at nang sa ganun
11:28nagprovide po sila
11:29ng frozen meat,
11:30mga chicken,
11:31parang po
11:32maiba naman po
11:33yung panlasa
11:34ng ating mga kababayan
11:34na nasa evacuation centers.
11:36Alright,
11:37samantalin na rin namin
11:37yung pagkakataon na ito,
11:38Director,
11:39hingi na rin kami ng update
11:40sa binuong
11:40San Juanico Task Force Group.
11:42Ano po ang layunin nito?
11:44At ano po
11:44ang kasalukuyan lagay
11:45ng San Juanico Bridge
11:46sa kaugnay na rin
11:47ng blue alert status
11:47na inyong itinaas?
11:50Tama po yan, no.
11:51Tayo po ay nagtayo
11:52ng San Juanico Task Group.
11:53Ang intensyon po nito
11:55ay tutukan
11:55ng ilang mga aspeto dito
11:57tungkol po sa halimbawa.
11:58Number one pong priority
11:59ay safety.
12:00Ayon po dun sa memorandum
12:01na nagmula po sa DPWH,
12:03meron silang pag-alala
12:04doon sa structural integrity
12:06ng tulay na ito
12:08kung kaya't pinagbabawalan po natin
12:10ang three-tannage
12:11na trucks at vehicles
12:13na dumaan po dito.
12:15Bukod po dito,
12:16pinagbabawalan rin po natin
12:17yung pedestrian or foot traffic
12:19dahil mapanganib po,
12:21again,
12:21yung structural integrity
12:22ang concern ng DPWH.
12:24Sa panguna po ng OCD,
12:26ito pong task group
12:27ay i-regulate po
12:29yung movement
12:30at activity sa area.
12:31Kinikilala po natin
12:33na napaka-vital po
12:34ng infrastructure na ito
12:35na nagdudugtong
12:36sa Samar at Leyte.
12:37At marami po tayong
12:38commerce at businesses
12:39na nakaasa sa tulay na ito
12:42sa pagdidistribute
12:43ng kanilang goods.
12:44Kung kaya't,
12:45bukod po sa regulation
12:46ng movement,
12:47meron din po tayong
12:48pinopropose na mga routing
12:49ng ating mga roro
12:50mula po Tacloban
12:52papuntang Basay-Samar
12:53pati na rin po
12:54or Mok
12:55papuntang Kalbayog.
12:56Ayun pong mga trucks
12:58na lalagpas po sa limit,
13:00pinapayuhan po natin
13:01na baka po
13:02dito na lang silang
13:03mag-ano,
13:03sa roro routes na ito,
13:05may consider
13:06kung talagang kailangan nila
13:07mag-deliver ng goods.
13:08Pero napakalinaw po
13:10ng instruction
13:10ng ating Pangulong
13:11Ferdinand Marcos Jr.
13:12hindi po natin
13:14pwedeng isaalang-alang
13:15ang safety
13:16ng ating mga kababayan.
13:18Director,
13:18nasa magkana naman po
13:20ang posibleng maging gasto
13:21sa pagpapagawa
13:22o repair
13:23ng San Juanico Bridge
13:24at ano po
13:25ang timeline
13:26at target
13:26na matapos
13:27ang rehabilitasyon?
13:31Base sa mga
13:31initial na reporting,
13:33baka po umabot ito
13:34ng close to 1 billion
13:35or baka humigit pa po.
13:37And based on
13:38the initial findings
13:40dun sa kanilang
13:40kinuwang consultancy group,
13:41baka po lumagpas
13:43ng isang taon
13:43ang rehabilitation
13:44ng tulay na ito.
13:46Pero ganun pa man,
13:47baka po mas magandang
13:48sa DPWH tayo
13:49makapagkuhan
13:50ng mas accurate
13:51na impormasyon
13:52dahil sila naman po
13:53ang mga eksperto
13:54patungkol sa mga
13:55ganitong bagay.
13:57Alright,
13:57maraming salamat po
13:58sa inyong oras.
13:59Director Chris Noel Bendijo
14:01ang tagapagsalita
14:02ng Office of Civil Defense.
14:05Salamat po sa pagkakataon.
14:07Magandang hapon po.