00:00Sa detalyo po ng ating mga balita, naka-preposition na ang mahigit 3 million family food packs ng Department of Social Welfare and Development sa iba't-ibang warehouse sa buong bansa.
00:10Layon po nitong matugunan agad ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga pamilyang maapektuhan ng anumang kalamidad.
00:17Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, layon din itong matiyak na sapat ang relief resources ng pamahalaan sa disaster response.
00:27Sa kabuhan, na-deliver na sa iba't-ibang pasilidad ang mahigit 2 million family food packs.
00:33Nakahanda namang i-deliver ang 790,000 na family food packs sa National Resource Operations Center sa Pasay City at Visayas Disaster Response Center sa Cebu, kung saan araw-araw niriripak ang mga relief items.