Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa ilang araw nang mga pag-ulan. Mahigit isang libong pamilya ang kinailangang ilikas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa ilang araw ng mga pagulan.
00:06Maygit isang libong pamilya ang kainailangan ilikas.
00:10At nakatutok si Maki Pulido.
00:19Tumirik ang truck na yan sa gitna ng malakas na agos ng ilog sa Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.
00:25Pahirapan ang pagsagip, lalo't halos lamonin na ito ng tubig.
00:29Kwento ng uploader ng video, pilit umano itong tumawit para agad na makauwi matapos bumuhos ang ulan.
00:36Mabuti na lang at may nakakita mga residente na agad sumaklolo.
00:42Matagumpay namang naitabi ang truck at nailigtas ang driver.
00:50Malawak ang pagbahari ng namerwisyo sa bayan ng Alabel sa Sarangani.
00:54Ano na yung mga bata? Saka na mudre?
00:56Pinasok ng tubig ang maraming bahay kaya ilang pamilya ang kinailangan ng ilikas.
01:01Okay, pasakay, pasakay.
01:03Sinagit din ang mga alagang hayop gaya ng mga baboy.
01:07Humupa na ang baha sa ilang lugar pero nag-iwan naman ang makapal na putik sa mga bahay.
01:11Sa bayan ng Kumalarang sa Zamboanga del Sur, nagmistulang swimming pool ang covered court.
01:18Merong sapa doon na umapaw. Maraming mga bahay yung nasa lamta.
01:23And that's the first time na umabot yung baha doon sa covered court.
01:28Nalubog din ang maraming kalsada pati ang Kumalarang Central School.
01:34Sa barangay poblasyon, halos abot bewang ang taas ng baha.
01:37Hala to apa o, nangaanod dia, daghana o.
01:41Dahil sa panganib ng lalo pang pagtaas ng tubig,
01:44kanya-kanyang bitbit na ng mga gamit ang ilang residente para lumikas.
01:48Nalubog din at wala nang matanaw ng mga palayan.
01:51Bigla nalang tumaas yung tubig. Hindi namin inasahan na maraming mga bahay ang maapektuhan.
01:58Dito sa market namin sa barangay poblasyon, ang daming nasira ng mga bit na mga palay.
02:02Ayon sa lokal na pamahalaan, mahigit isang libong pamilya ang apektado ng baha sa bahay ng Kumalarang.
02:09Isang naiulat na nasawi matapos umanong malunod sa baha.
02:14Sa kuha naman mula sa himpapawid, kitang-kita ang lawak ng pagbaha sa Maguindanao del Sur.
02:20Sa dato sa libo, lubog sa tubig ang maraming kalsada.
02:24Sa Sharif Saidona Mustafa, apektado ang hanap buhay ng mga residente.
02:28Yung trabaho po ay nahinto po. Nahinto po kasi nga ay may mga office po na talagang pinasok po talaga ng COVID.
02:38Sa ilang bahagi ng Mama Sapano, abot tuhod ang baha.
02:42Ayon sa Civil Defense BARM, umabot sa mahigit 6,000 pamilya ang apektado sa Maguindanao del Sur.
02:48Hindi bababa sa 24 na ektarya ng mga pananim ang nasalanta.
02:52Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang ilang araw ng nagpapaulan sa Mindanao.
03:00Bukod sa Mindanao, masamang panahon din ang naranasan sa iba pang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
03:06Gaya sa dingras, Ilocos Norte na binayo ng malakas na hangin at ulan.
03:10Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.
03:22Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended