Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/19/2025
-PLtGen. Okubo: 2 pang suspek sa pagpaslang sa negosyanteng si Anson Tan at kanyang driver, naaresto ng PNP-CIDG sa Boracay






-Lalaki, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000/Suspek, itinangging nagbebenta siya ng droga; taga-abot lang daw siya/ Suspek, itinangging nakapatay siya






-Oil price hike, ipatutupad bukas






-Truck, tumirik sa baha sa Brgy. Basag; mga sakay, nasagip/Mga residente, nailigtas matapos malubog sa baha ang kani-kanilang bahay/State of Calamity, inirekomendang ideklara sa Mamasapano dahil sa matinding baha






-WEATHER: PAGASA: ITCZ, magpapaulan sa Mindanao, Palawan at ilang panig ng Visayas






- Lalaki, namaril ng nakaalitan sa kalsada; babaeng estudyante, nadamay






-Lalaking nangmolestiya umano sa menor de edad na anak ng kinakasama, arestado/Akusado sa pangmolestiya umano sa anak ng kinakasama, itinanggi ang paratang






-Lalaking sangkot umano sa mga nakawan sa Brgy. 27, patay nang barilin




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arestado na ang dalawa pang suspect sa pagkidnap at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Tan at driver niyang si Armani Pabillo.
00:13Ayon kay Police Lieutenant General Edgar Okubo ng Special Investigation Task Force, nahuli sila ng PNPC-IDG sa Boracay, sa Aklan.
00:21Dalim ang dalawang gayuhan sa debriefing ng anti-kidnapping group ng Philippine National Police.
00:26Kasunod niyan ay i-endorso sila sa Bureau of Immigration para ma-inquest bilang undesirable aliens.
00:35Bago ma-aresto, ang dalawa may tatlong suspect nang hawak ang polisya kaugnay sa kaso.
00:40I-dinadawit dati ng isang suspect ang anak nita na si Alvin Ke pero kalaunay binawi ng mga polis ang reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya laban sa kanya.
00:51Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga.
00:56Nang halos 700,000 piso, paliwanag ng suspect, tagaabot lang daw siya at hindi nagbebenta.
01:04Ang mainit na balita hatiid ni E.J. Gomez.
01:06Pagmasda ng lalaking nakaputing t-shirt at nakahelmet na naglalakad sa isang palengke sa barangay San Roque, Antipolo City, alas 4 ng madaling araw kahapon.
01:20Dire-diretso siya sa paglalakad. Nang sitahin siya ng mga nagro-rundang polis, kumaripas ng takbo ang lalaki.
01:28Hinabol siya ng ilang tauha ng Antipolo Police.
01:30Medyo malayo na yung distansya niya pero nakahelmet pa rin siya.
01:33So nung akma na nilapitan siya, sabay takbo naman siya.
01:37So hinabol siya ito at within mga span of 100 meters,
01:42kitang-kita po nila na nung malapit naman siyang mahuli or malapitan, tinapon niya yung bag.
01:48Nang buksan ng mga pulis ang bag na itinapon ng lalaki, tumambad ang isang weighing scale at isang pakete
01:55nang umano'y syabu na tumitimbang ng sandaang gramo at nagkakahalaga ng 680,000 pesos.
02:02Sa investigasyon ng pulisya, lumabas ng miyembro umano ng grupo ng drug dealers sa Antipolo City
02:08ang sospek na si alias Pablo, 40 anyos.
02:12Yung nakuha sa kanya ay i-dedispose pa lang niya, kaya medyo buo pa, hindi pa siya na hati-hati.
02:19Ibig sabihin, hindi pa yun yung downline talaga na nagbebenta sa street level.
02:24Ibabagsak niya yun doon sa mga dealers pa nila dito sa baba.
02:28Si alias Pablo rin daw ang itinuturong na sa likod ng ilang insidente ng pamamaril sa Antipolo City.
02:35Siya at yung mga nauna nating nahuli, sila yung nauutusan ng grupo upang pumatay ng mga downline ng mga amo nila
02:46na hindi nagli-remit ng bayad.
02:50Aminado ang sospek sa pagbitbit at paggamit ng droga, pero sabi niya, tagaabot lang siya.
02:56Bababa ko lang po ng motor po.
02:59Tapos saan po kayo papunta?
03:01Doon po, ang lalad lang po sa palengke.
03:03Tapos?
03:04Tigla lang po, tinawag ako ng polis.
03:07Tanpo gano'n yung sya bulahin, sir?
03:10Nabot lang po sa akin.
03:11Nino po?
03:12Nung kasama ko.
03:13Sa records ng polisya, dati nang nakulong ang sospek dahil sa droga.
03:18May arrest warrant din laban sa kanya sa kasong murder.
03:21Itinanggi ng sospek ang krimen.
03:23Hindi, tututuwa ko yun, ma'am.
03:24Napa po nabapatay.
03:26Naka-detain ang sospek sa Antipolo Components City Police Station Custodial Facility.
03:31Maharap siya sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
03:39EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:43Mga kapuso, magpagas na dahil may nakambang taas presyo sa mga produktong petrolyo simula po bukas.
03:54Batay sa anunsyo ng ilong oil companies, 1 peso and 70 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel simula bukas.
04:001 peso and 20 centavos naman sa kada litro ng gasolina.
04:03Habang sa kerosene, 1 peso and 20 centavos din ang taas presyo.
04:09Una nang sinabi ng Department of Energy na isa sa mga nakakapagpataas ng presyo,
04:13ang pagpapataw ng sanksyo ng Amerika sa halos dalawang dosenang kumpanyang kabilang sa international oil trade ng Iran.
04:20Nalubog po sa baha ang ilang lugar sa Maguindanao del Sur, kasunod ng walang tigil na pagulan.
04:31Sa Soldan Kudarat naman, e nasagip ang mga sakay ng isang truck na tumirik dahil sa taas ng tubig.
04:38Balit ang hatid ni James Agustin.
04:43Nirescue ng mga residente ang truck na iyan na tumirik sa gitna ng baha sa barangay Basag sa Sen. Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.
04:50Kwento ng uploader pa uwi-umanos sa maitong saranggani ang truck,
04:54nang pilitin itong itawid ng driver pero hindi kinaya.
04:57Sa tulong ng isang backhoe na hila ang truck at nasagip ang mga sakay nito.
05:03Magdamag ang pagulan ng naranasan sa ilang lugar sa saranggani.
05:07Sa Alabel, isang ilog ang umapot, umabot sa kalsada,
05:10kaya nalubog sa bahang maraming bahay.
05:12Nirescue ng mga otoridad ang ilang residente.
05:15Nananatili sila sa evacuation center.
05:20Nalubog din sa bahang maraming lugar sa Mama Sapano, Maguindanao del Sur.
05:24Ayon sa mga otoridad, mahigit 6,000 pamilya ang apektado ng ilang araw na pag-ulan.
05:28Apektado rin ang kabuhayan doon at ilang kalsada.
05:32Inire-recommenda na ng lokal na pamahalan na pagdideklara ng state of calamity sa Mama Sapano.
05:37James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
05:42Ang masamang panahon sa Mindanao nitong weekend ay epekto po ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
05:48At ayon sa pag-asa, magpapatuloy yan ngayong Lunes.
05:51Apektado rin po ang Palawan at ilang panig ng Visayas.
05:55Umiiral naman ang mainit na easterly sa nalalabing bahagi ng bansa.
05:59Halos buong Mindanao ay uulanin sa mga susunod na oras base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:06May ulan din po sa ilang panig ng Southern Razon at Visayas.
06:09Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
06:14Mababa po ang tsansa ng ulan dito sa Metro Manila.
06:17Sa kabila ng ulan, 27 lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng danger level na heat index.
06:24Posibleng pinakamataas ang 45 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan at Apari, Cagayan.
06:3044 degrees Celsius sa ilang panig ng Northern at Southern Razon.
06:3443 degrees Celsius naman sa Batac, Ilocos Norte, Baler Aurora, Olongapo City, Kamiling, Tarlac, Tanawan, Batangas,
06:43Infanta, Quezon at sa Cuyo, Palawan.
06:47Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw sa Pasay at dito po sa Quezon City.
06:53Ngayon din sa ilang pang bayan at lungsod sa Luzon at Visayas.
06:57Pagmasdan ang lalaking yan na nakaputing t-shirt sa kalsada ng Baragay 104 sa Tondo, Maynila.
07:05Nang makasalubong niya ang isa pang lalaki, bumunot siya ng baril, itinutok sa lalaki at nagpaputok.
07:13Nagtakbuhan ang mga tao sa paligid.
07:14Nang tumakbo palayo ang biktima, nagpaputok ng isa pang beses ang lalaki.
07:19Kasabay na umalis ng gunman ang kasama niyang babae na kanya palang, asawa.
07:24Base sa investigasyon, hindi magkakilala ang suspect at biktima pero nagkaroon sila ng pagtatalo sa kalsada bago ang pamamaril.
07:31Ayon sa nahuling suspect, pinagbantaan siya ng biktima nang magkasagutan sila.
07:36Nasa ospital pa ang biktima matapos tamaan ng bala sa tiyan.
07:39Sugatan din ang isang babaeng sudyante na tinamaan sa hita.
07:43Mahaharap sa reklamang frustrated murder at physical injury ang lalaking na Maril.
07:50Arestado sa Quezon City ang isang lalaking nang molestya o mano sa anak ng kanyang kinakasama.
07:56Balitang hatid ni James Agustin.
08:00Sa bahaging ito ng Del Monte Avenue sa Quezon City, sinilbin ang polisiang areswara.
08:04Sa 43 anyo sa lalaki para sa kasong acts of lasciviousness.
08:10Sa kanyang pagkakaaresto, natuldo ka ng halos 7 buwan niyang pagkatago.
08:13Nakatanggap kami ng informasyon na ito ay kasalukuyang na sa Barangay Del Monte, Quezon City.
08:20At ito ay pinuntahan agad ng ating operatiba.
08:24At doon na iserve ang warantapa rest.
08:28Ito ay kasalukuyang ding ilang buwan ding nagtago.
08:32So, pabalik-balik siya sa Munoz at saka sa Barangay Del Monte.
08:38Ayon sa pulisya, Pebrero noong nakaraang taon ang mangyari ang krimi.
08:41Ang 14 anyo sa babaeng biktima, anak ng kinakasama ng lalaki.
08:46Ayon sa investigasyon, minulis siya nung akusado yung anak nung kanyang kinakasama.
08:53At ito ay nagsumbung sa kanyang ina na kusaan ay doon na isang pa yung kaso.
08:59Ikatlo sa Most Wanted Persons List ng Galaspore Station ng lalaki.
09:04Basis sa record, dati na siyang naaresto.
09:06Dahil sa pagnanakaw at pagsusugat.
09:08Itinanggi ng lalaki ang mga aligasyong pangmumulest siya.
09:11Hindi po ito yun kasi magkakatabi po kami naman natutulog ng mga yan eh.
09:17Magkakatabi talaga kami eh.
09:19Anong masasabi? May anak din po ako, lima.
09:21May anak po ako, tatlong babae.
09:23Sa ula kong asawa.
09:25Nakapag-return of warrant na ang polisya.
09:27Hinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
09:30James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:35Ito ang GMA Regional TV News.
09:40Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
09:44Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa ulo sa Bacolod City.
09:49Cecil, bakit siya binarel?
09:53Rafi dating alitan ang tinitingnang motibo ng polisya sa krimen.
09:58Sa embesigasyon ng mga otoridad, lumalabas na nagkagulo ang isang grupo ng mga lalaki sa Barangay 27 nitong Webes.
10:05Ilang saglit pa, umalingaungaw na raw ang putok ng baril.
10:09Doon na natagpo ang duguan ang 27-anyos na biktima.
10:13Bago ang pamamaril, kinuyog daw muna ang lalaki basing sa mga nakitang sugat sa kanyang katawan.
10:19May narecover ding dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa shorts ng biktima.
10:23Ang biktima rin umano ang nasa likod ng mga nakawan sa barangay.
10:28Ayon sa kapatid ng biktima, matagal nang hindi umuuwi sa kanila ang biktima.
10:32Tukoy na ng polisya ang mga tumakas na sospek na maaaring maharap sa reklamong murder.
10:38Tukoy na ng polisya ang mga.

Recommended