00:00Matapos ang dalawang linggong oil price rollback,
00:03inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.
00:07Posibleng tumaas ng 1 peso at 10 centavos hanggang 1 peso at 30 centavos ang kada litro ng gasolina.
00:131 peso at 60 centavos hanggang 1 peso at 80 centavos naman ang inaasahan dagdag sa kada litro ng diesel.
00:20Habang nasa 1 peso at 10 centavos hanggang 1 peso at 30 centavos naman ang tataas sa kada litro ng kerosene.
00:28Ang dahilan ng napipintong oil price hike ay ang kasunduan ng America-China na alisin ng mataas na buwis sa loob ng 70 araw na magpapataas sa demand ng langis.