24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Manayad ang takbo ng masasakyan sa Baloy, Lanao del Norte
00:06nambiglang sumalpok ang isang motorsiklo sa isang jeep.
00:10Sa isa pang video, makikita nag-overtake ang rider bago bumanggas sa jeep sa kabilang lane.
00:16Nagpapagiling na sa ospital ang rider at sinusubukan pang kuna na pahayag ang masangkot sa aksidente.
00:24Lubog pa rin sa maha ang ilang lugar sa Mindanao matapos ang walang tingil na pag-ulan.
00:28Sa Davao Occidental, nawasak ang bahagi ng dalawang tulay dahil sa ragasan ng tubig sa ilog.
00:34Nakatotok si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:41Malakas na ragasan ng baha ang bumungad sa barangay Bagumbong sa Mama Sapano, Maguindanao del Sur.
00:47Ang mga kalsada, ilang araw ng lubog sa baha dahil sa walang tigil na ulan.
00:52Pati mga bahay, pinasok na ng tubig.
00:55Pahirapan din ang mga sasakyan sa pagdaan sa kalsada.
00:58Ayon sa mga residente, may ibang barangay na abot tuhod hanggang bewang na ang baha.
01:03Ngayong araw po, pangatlong araw na po ng baha sa Mama Sapano, so lahat po ng barangays ng Mama Sapano sa lubog na po sa baha.
01:12Nakantabay ang mga rescuer at kawanin ng MDRRMO sa mga bahaing barangay.
01:16Nagsagawa naman ng aerial survey ang Office of Civil Defense sa mga binahang lugar sa Maguindanao del Sur.
01:22Nakikipag-ugnayan din sila sa PDRRMO at MDRRMO para mamonitor ang sitwasyon at makapagbigay ng emergency operations.
01:30Bumigay naman ang isang bahagi ng Manggile Bridge at Lawayon Bridge sa Jose Abad Santos, Dabao Occidental.
01:38Lumakas ang agos ng ilog matapos ang pagulan simula kahapon.
01:43Hindi madaanan ang dalawang tulay na nagpokonekta sa kanila at sa bayan ng Don Marcelino.
01:47Yung mga approach niya kasi hindi siya sementado. Yung gawa ng DPWH kasi is, ano lang parang nakatambak lang yung lupa and then because of the mabilis, malakas na agos ng tubig, nadala po yung lupa.
02:01Nagsagawa na ng clearing operation sa lugar. Payo ng LGU sa mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta para makatawid.
02:10Sa ngayon, nagsasagawa na sila ng assessment para agad itong masolusyonan.
02:14Bukod sa mga naputol na tulay, nawalan rin ang kuryente sa buong bayan.
02:18Ayon sa pag-asa, ang mga ulan sa Mindanao ay epekto ng pag-iral ng Intertropical Convergence Zone o ITZZ.
02:25Para sa GMA Integrated News, Efren Mamak ng GMA Regional TV, Nakatutok 24 Oras.
02:33Mga kapuso, dalawang weather systems ang nagpapaulan sa iba't ibang lugar sa bansa ngayong araw.
02:38Ang sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITZZ, ang nagdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao, Eastern Visayas at Palawan.
02:51Easterlies naman ang nakaka-apekto sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
02:56Sa rainfall forecast na Metro Weather, posible ang light to heavy rains bukas sa Palawan, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur.
03:04Light to intense rains naman ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
03:11May chance rin umulan bukas sa Metro Manila.
03:15Baka puso, naka-alerto po ulit sa COVID.
03:18Ang Department of Health, kasunod ng mga ulat ng pagtaas ulit ng kaso ng mga tinamaan ito sa ilang kalapit na bansa.
03:24Nakatutok si Dano Tingcungco.
03:26May mga ulat ngayon ng muling pagtaas ng kaso o kaya'y clusters ng COVID-19 cases sa Hong Kong, Singapore at Thailand, mga bansang malapit lang sa Pilipinas.
03:39Pero sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health na wala pang nakikitang rason para maalarma.
03:44Katunayan daw, bumaba ng 87% ang bilang ng mga kaso at nasaway sa COVID sa bansa ngayong taon as of May 3, kumpara nung isang taon.
03:52Pero minomonitor daw nila mga trends sa COVID at nahikipag-ugnayan sa mga counterparts sa ASEAN.
03:58Sabi naman ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, wala raw silang namomonitor ngayong pagtaas ng bilang ng mga konsultasyon o admisyon na may kinalaman sa COVID.
04:08Pero bili ng PSMID.
04:10Ipagpatuloy pa rin ang mga nakagawi ang hygiene measures contra COVID tulad ng pagugas ng kamay, pagtakip ng ilong at bibig kung uubo o babahing,
04:18paggamit ng face mask at tamang pagtapo ng nagamit ng tisyo.
04:23Ayon naman kay Dr. Jose De Grano ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated,
04:28wala raw sa ngayong kahit anong ulat ng problema sa bed capacity o pagdami ng mga na-admit.
04:33Pero hindi rin naman daw kasi lahat ng may flu-like symptoms ngayon ay nakoconfine.
04:37Kasi normally, pag mga flu-like symptoms lang at wala namang ibang comorbidities, hindi ito immunocompromised, inapa-uwi na rin sila.
04:48Binibigyan natin ng mga supportive na medications.
04:52Ang kaso, ayon sa PHAPI, hindi regular o routine sa Pilipinas ang pagpapatest para sa COVID.
04:58Kaya ano raw ang basehan para masabi talaga kung dumami ang kaso o hindi.
05:02Sa ibang countries kasi, like Singapore, maybe China and Thailand, pwede routine sa kanila yan.
05:08Kasi libre. Makikita nila na whether it is COVID or flu.
05:12Pero sa atin kasi, hindi niruroutine yan kasi may cost.
05:17So is Johnny De Grano, mas mainam daw na magpa-routine test ang gobyerno para may basihan talaga para masabi kung dumami ba ang may COVID o hindi.
05:25Sinusubuhan pang makuha ang reaksyon dito ng DOH.
05:28Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkung ko nakatutok 24 oras.
05:33Ang nosebleed o balingoy-ngoy, karaniwang nangyayari lalo na kapag mainit ang panahon.
05:40Ang payo na espesyalista kapag nagdurugo ang ilong at kung paano ito maiiwasan, alamin.
05:45Sa pagtutok ni Katrina Son.
05:47Araw-araw nakamotor, papasok ng trabaho si Angel Fakun.
05:56Pero kamakailan, dumugo ang kanyang ilong.
06:00Natakot ako syempre, pero kailangan hindi ka magpanik.
06:04Kasi damon na magpanik ka dahil sa sobrang init.
06:07Kaya nagbabaon na siya ng manipis na jacket at malamig na tubig.
06:12Si Edmond Toralde, dahil din sa labis na init, madalas sumasakit ang mga mata at ilong tuwing papasok ng trabaho.
06:22Isa sa mga na-experience ko yung pananakit ng mata, the same thing dito sa may bandang noon.
06:27Then, yung parang mag-nosebleed ka dito.
06:30Ayon sa isang espesyalista, tuwing mainit ang panahon, lumuluwag daw ang blood vessels ng ilong at mas madali raw pumutok ang mga ito.
06:39Kapag mainit kasi ang panahon, tumataas yung temperatura ng ating kapaligiran.
06:44Matutuyo rin yung haamin dahil dito natutuyo rin yung loob ng ilong natin.
06:49Kapag ito ay nagiging manipis at marupok, mas madalas itong magkara o pumutok.
06:56Kung mangyari ito, ang dapat daw agad gawin, umupo ng tuwid.
07:01Bahagyang yumuko para hindi mapunta ang dugo sa lalamunan.
07:05Sa ganyang posisyon, pisili ng ilong.
07:07Ituloy ito hanggang huminto ang pagdurugo.
07:11Pero kung mahigit 20 minuto na at hindi pa yan maampat at may ramdam ng hilo, panghina, pamumutla o hirap sa paghinga at lagnat, agad magpakonsulta sa doktor.
07:23Bukod dyan,
07:24Iwasan ng pagsinga ng malakas, iwasan ng pagkamot o pagputkot sa loob ng ilong.
07:31Ugalihin po natin mag-hydrate, meaning uminom po tayo ng marami tubig para hindi matuyo ang mga mucous membranes.
07:38Kung madalas matuyo ang ilong, maaari raw gumamit ng saline nasal spray at iwasan ding mababad sa matinding init ng panahon.
07:49Para sa GMA Integrated News, Katrinason, nakatutok 24 oras.
07:55Mabilis na tsikahan tayo para updated sa Showbiz Happenings.
08:06Pool of K-League and Dance Challenge ni Barbie Forteza at South Korean actor Choi Bo-min.
08:12Sa isang TikTok video, makikita ang pagsayaw ng dalawa sa loob ng isang trend.
08:16Mapapanood sila sa upcoming series na Beauty Empire na shinut sa South Korea.
08:20Isang TikTok trend din ang sinabayan ni Rian Ramos.
08:27Tuang-tuang fans dahil suot ni Rian ang kanyang costume bilang mitena sa sangre.
08:36Black eye naman sa kanang mata ang inabot ni Solen Hiusa.
08:40Pero don't worry dahil aksidente lang siyang na-headbutt ni Maylis habang natutulog.
08:45Biro ni Solen, next time matutulog siya ng nakahelmet.
08:50Outro
08:52Outro
08:58Outro
09:00Outro