Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/16/2025
Proklamasyon ng mga nanalo sa pagka-senador bukas, tuloy na ayon sa NBOC; voter turnout ng #HatolNgBayan2025, pinakamataas sa lahat ng midterm elections ng bansa ayon sa Comelec

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, tuloy na bukas ang proklamasyon ng mga nanalo sa pagkasenador ng Hatol ng Bayan 2025.
00:09Ito'y matapos makompleto kahapon ng National Board of Canvassers,
00:14ang canvassing ng mga boto ng pinakamataas na voter turnout sa lahat ng midterm elections sa bansa.
00:21Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita, live.
00:24Angelique, tuloy na tuloy na nga ang proklamasyon para sa mga nanalo sa senador bukas.
00:31Halos wala namang pinagkaiba ang resulta ng Certificate of Canvas sa mga lumabas na partial and unofficial tally mula sa transparency server.
00:42Inilabas na ng National Board of Canvassers ang pinal na tali ng boto at ranking ng mga nanalo sa senador at party list organizations kagabi.
00:50Basa sa National Certificate of Canvas para sa senatorial candidates,
00:55nangunguna pa rin sa top 12 ng mga senador si incumbent Senator Christopher Bungo na nakakuha ng 27,121,073.
01:05Pangalawa si Bam Aquino na may 20,971,899.
01:11Pangatlo si Ronald Bato de la Rosa na may 20,773,946.
01:16Pangapat naman si Erwin Tulfo na may 17,118,881.
01:23At panglima si Kiko Panghininan na may 15,343,229.
01:29Sumunod naman na pasok sa Magic 12 si Rodante Marculeta na may 15,250,723 votes.
01:37Ping Lakson na nakakuha ng 15,106,111 votes.
01:43Vicente Soto na may 14,832,996 votes.
01:48Pia Cayetano na may 14,573,430 votes.
01:53At Camille Villar na may 13,651,274.
01:59Panglabing isa naman si Lito Lapid na may 13,394,102 votes.
02:05Pasok din sa doses si Aimee Marcos na may 13,339,227 na voto.
02:13Nasa 13 to 15th rank naman si Ben Tulfo.
02:16Sumunod si Bong Revilla at Abby Binay.
02:19Bagamat dadaan pa sa audit, inanunsyo na ng National Board of Canvassers
02:23tuloy na tuloy na ang proklamasyon sa Sabado ng hapon.
02:26Kahit naman sa party list, inilabas na rin ang listahan na nakakuha ng mataas na voto.
02:31Una na dyan ang Akbayan na nagkaroon ng 6,63% votes.
02:37Pangalawa ang Duterte Youth na may 5,57%,
02:40Tingog na may 4,34%,
02:43Fourpeace na may 3,50%
02:46at CIS na nakakuha ng 2,96%
02:49at nakakuha naman ng 2,56% ang Akobicol party list.
02:54Mataas din naman ang voto ng iba pang party list.
02:56Kaya lang ay hindi umabot sa hinihing 2% ng batas tulad ng Uswag, Ilonggo, Solid North,
03:03Trabaho, Sibaka, Malasakit at Bayanihan at iba pa.
03:07Sabi naman ng Comelec, kahit may mga agam-agam pa rin at tanong,
03:11ang ilan, lalo na sa Transparency Server,
03:14tuloy na tuloy ang proklamasyon sa mga nanalo lalo na sa Senador
03:17dahil itong Canvas Report ang pinagbabasihan nila sa kung sino talaga ang panalo.
03:22Ang laging basihan ng proklamasyon ay ang Canvas.
03:27Sana po maunawaan natin sa batas natin,
03:29ang pinagawang basihan ay Canvas.
03:32Hindi po pinagbabasihan yung mga ibang issues na nasa baba.
03:37Samantala inanunsyo din ang Comelec na umabot naman sa 82.2%
03:41ang opisyal na voter turnout ngayong hato ng bayan.
03:45Ito na ang pinakamataas na prosyento ng bumoto sa lahat ng midterm elections sa bansa.
03:50This is the first time, again, in our history,
03:54that we registered an 82.2% voters turn out the highest in a midterm elections.
04:01And surely, therefore, it only means to say that the Filipino people had trusted the entire process.
04:08They wanted their votes be counted and their voice be heard.
04:13And that's very, very important on the part of the commission election
04:16and on the part of the National Board of Congress.
04:20Angelique, bukas alas 3 ng hapon,
04:24dito rin sa Manila Hotel 10 City,
04:26isasagawa ang proklamasyon para sa mga nanalong senador.
04:30Pero sabi naman ng Commission on Elections,
04:32yung sa party list organizations,
04:34posibleng sa lunis pa nila isagawa yung proklamasyon.
04:37Ang dahilan dyan, dahil ay may magpapasa pa
04:40o magsusumiti pa ng manifestation
04:42yung ilang mga abogado nitong mga party list
04:44dahil may ilang mga kumukwestiyon nga
04:46na imbis na 63 seats ay dapat daw,
04:4964 seats ang nakalaan para sa party list organization.
04:53Mula kasi dun sa 20% ng mga representative mula sa mga districts
04:57ay may point daw na sinasabi para dun sa 20%.
05:00Kaya nga ang sinasabi ay magkocompute pa ang Comelec
05:03at re-resolvahin pa nila kung 63 ba
05:06o 64 ang uupo para sa mga party list representatives.
05:10Angelique.
05:11So, ibig ba sabihin, Luisa,
05:12na may aakyat dun sa mga party list
05:14na hindi umabot sa 2%?
05:18Angelique, ang sinasabi nga kasi ng Comelec dyan,
05:20kung titignan natin base dun sa boto
05:22na nakuha ng mga party list,
05:24iilan lang yung nakakuha ng 2%.
05:26Ibig sabihin,
05:27yung mga hindi nakakuha ng 2%
05:29ay may computation pa na gagawin ang Comelec
05:32para makapasok o makabilang sila
05:34dito nga sa 63 o 64 na seats na pupunan.
05:37Kasi kung tutuusin ay kulang na kulang talaga
05:39yung mga nakakuha ng 2%.
05:41Meron nga sinasabi na proseso ang Comelec
05:43para mapunan itong mga pwesto sa Kongreso.
05:47Angelique.
05:48Okay, maraming salamat, Luisa Erispe.

Recommended