00:00Tutok lang, narito na ang bagong Pilipinas ngayon.
00:12Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development System Act.
00:21Layon itong patatagin ang pag-aaruga, edukasyon at nutrisyon para sa mga bata mula pagkapanganak hanggang edad lima.
00:27Layon din ang bagong batas na matiyak ang development at kapakanan ng mga bata at maibigay sa kanila ang matibay na pundasyon bago pumasok sa formal na edukasyon.
00:38Isa ito sa mga prioridad na inirekomenda ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM-2 upang palakasin ang sistema ng edukasyon sa bansa.
00:47Sa ilalim ng batas, ang Early Childhood Care and Development o ECCD Council ang mangunguna sa pag-aalaga sa mga bata na wala pang limang taon,
00:57habang ang Department of Education naman ang mga ngasiwa sa mga may edad lima hanggang walo.
01:03Pinalakas din ng batas ang inklusibong edukasyon para sa mga may kapansanan at itinakda ang malawakang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan
01:11at mga lokal na unit para maipatupad ang mga programa sa bawat komunidad.