Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kapayapaan sa Ukraine at Gaza at responsable ang paggamit ng Artificial Intelligence.
00:06Kabilang po yan sa mga mensahe ni Pope Leo XIV sa kanyang unang linggo bilang Banco Santo Papa.
00:12Ating saksihan!
00:22Sumain niyo ang kapayapaan.
00:24Gaya ng unang mensahe niya sa balkonahe ng St. Peter's Basilica, halos isang linggo na ang nakakaraan.
00:30Kapayapaan din ang mensahe sa unang post ni Pope Leo XIV sa Instagram.
00:36Kalakip ang mga aktibidad niya sa unang linggo niya bilang Santo Papa.
00:40Gaya ng pakikipagpulong sa mga kardinal, unang misa sa Vatican Grotos, kung saan naroon ang puntod ni San Pedro at pagbisita sa puntod ng Yumaong Pope Francis.
00:51Noong 2016, si Pope Francis ang unang Santo Papa na nagkaroon ng IG account ang Franciscus.
00:59Minala naman niya ang Pontifex account ni noong Pope Benedict XVI sa ex na dating Twitter.
01:06Naka-archive na ang ex-account ni Pope Francis sa ngayon ay sa Vatican.
01:11Mananatiling aktibo si Pope Leo sa ex at IG.
01:15Kasama sa unang IG post ng Santo Papa, ang kanyang unang pagharap sa media.
01:22Nakangiti pa siya at nakuhang magbiro bago magbigay ng mensahe.
01:26They say when they clap at the beginning, it doesn't matter much.
01:31If you're still awake at the end and you still want to applaud, thank you very much.
01:36Doon nanawagan si Pope Leo na pakawala ng mga mamamahayag na ikinulong dahil sa paghanap sa kanilang tungkulin.
01:46Hinikayat din niya ang mga mamamahayag na alisin sa komunikasyon ng galit, puot, panghusga at pagkapanatiko.
01:54Ang komunikasyon dapat daw tinitipo ng boses ng mga mahihina at walang sariling tinig.
02:01Nabanggit din niya ang artificial intelligence na malakian niya ang potensyal pero kailangan daw maging responsable para matiyak na nagagamit ito para sa ikabubuti ng lahat.
02:12Isa nga ang pag-usbong ng AI sa mga dahilan kung bakit niya napili ang pangalang Leo.
02:18Sa una niyang pulong kasama ang mga kardinal matapos maging Santo Papa, inalala niya si Pope Leo XIII, ang unang Santo Papa ng 20th century, noong panahon ng Industrial Revolution.
02:31Ngayon, naharap daw ang mundo sa panibagong Industrial Revolution na sinabayan ng developments ng AI.
02:42Dutrina sociale per respondere a unaltra revolusyon industriale,
02:47yung sviluppi dell'intelligenza artificiale che comportano nuove sfide per la difesa della dignità umana, della giustizia e del lavoro.
02:59Gitli ni Pope Leo, gagawin niyang lahat na makakaya para sa kapayapaan.
03:04Handa raw lagi ang simbahan na pagbuklo rin ang magkakalaban para mag-usap.
03:09La guerra non è mai inevitabile.
03:12Le army possono e devono tachere, perché non risolvono i problemi, ma li aumentano.
03:20Nauna ng manawagan ng Santo Papa ng pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine,
03:25tigil putukan sa Gaza at pagpapakawala ng Israeli hostages ng Hamas.
03:31Nakausap na rin niya sa telepono si Ukrainian President Volodymyr Zelensky
03:35na inimbitahan ang Santo Papa na magtungo sa Ukraine.
03:38Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:43Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:46Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.