00:00Nananatiling mabilis ang proseso ng pagbibilang ng Certificate of Canvas ng National Board of Canvassers ng HOTL ng Bayan 2025.
00:09Sa katunayan, posibleng mapaaga pa ang proklamasyon ng mga nanalo sa pagkasenador.
00:15Ang update niyan sa Sentro ng Balita ni Luisa Erispe live.
00:22Angelique, umabot na sa higit anim na po ang Certificate of Canvas na nabilang at nabuksa ng National Board of Canvassers.
00:29Dahil dito, inaasahan namang hindi naaabot sa susunod na linggo ang proklamasyon para sa mga nanalong senador at party list organizations.
00:43Kunang araw pa lang ng canvassing kahapon, umabot na agad sa 58 ang bilang ng mga Certificates of Canvas na nabuksan at nabilang ng National Board of Canvassers.
00:54Ito ay 43 na lugar sa overseas voting at 15 lugar sa local voting.
01:00Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, sa kasaysayan ng canvassing sa Pilipinas, ito na ang pinakamabilis na bilangan ng boto.
01:08Pero sinisiguro naman nila na maayos at may kredibilidad ang ginagawa nilang canvassing.
01:14May ilan pa namang hinihintay na matransmit ang mga boto, tulad ng mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,
01:20na na-extend ang botohan tulad sa Cotabato.
01:23Sabi ni Garcia, tapos na ang botohan doon at hinihintay na lang nila umabot sa provincial level ang transmission para matanggap nila ang mga Certificate of Canvas.
01:33Ngayong araw, inaasahan namang nasa isandaang COCs ang bubuksan at bibilangin ang COMELEC.
01:39Ibig sabihin, kapag natapos ito, wala sa 175 nakabuo ang COCs na bubuksan, 70 na lang ang natitirang ikakanvas bukas.
01:49Samantala, may ilang kandidato naman ang humihingi ng manual recount at parallel manual counting
01:56dahil nga sa umanoy issue ng pagbabago ng bilang ng boto sa transparency server kahapon ng madaling araw.
02:02Pero sabi lang ni Garcia dito, kinakailangan ng electoral protest para magbukas ng mga balota sa mga presinto.
02:10Pero nagsimula na rin naman ang kanilang random manual audit kung saan higit 700 ballot boxes ang bubuksan
02:16mula sa iba't ibang mga presinto at ito na ang magsisilbing check-in balance
02:20para masigurong tama at accurate ang pagbilang ng mga boto.
02:26Angelique, sa ngayon ay hinihintay pa rin natin yung ilalabas ng Commission on Elections
02:31na partial and official na count ng mga boto para nga dito sa senador at party list.
02:38At meron din mga tayong natatanggap na hiling sa Commission on Elections
02:42na sana ay mas agahan pa yung proklamasyon, huwag na sabado o linggo
02:46o kaya ay gawin na lamang na may mga mauunang-unang iproklama at bago yung mga huling batch.
02:52Pero sabi ng COMELEC sa ngayon decidido sila, ang COMELEC on Bank at ang National Board of Canvassers
02:57ay nagdesisyon na sabay-sabay ang proklamasyon ng mga mananalong senador
03:02dahil nga nais nila na maging isandaang prosyento muna ang makakanvas ng mga boto
03:07bago sila makapag-proklama.
03:09Ito na rin naman niya ang pinakamabilis na bilangan ng boto sa kasaysayan ng Pilipinas.
03:15Angelique.
03:15Yes, Aluisa, kasama ba ang party list sa mapoproklama ngayong sabado o linggo?
03:20Angelique, isa nga yan sa itinanong natin kanina kay Chairman Garcia
03:25at sabi niya, inaasahan na may isang araw na pagitan dito nga sa pagpoproklama ng mga nanalo
03:32sa party list at sa senador.
03:34Mauuna muna yung senador at pagkatapos nito ay yung mga mananalong party list
03:38dahil sa kanilang eksplanasyon ay kailangan pang kumpyutin yung voter turnout
03:42para makuha yung porsyento na kinakailangan
03:45para masabing magkakaroon ng seat ang upong party list representative.
03:51Sa ngayon kasi ay 63 seats ang nakalaan
03:53para dito sa magiging party list organizations
03:56at kailangan ay magkaroon sila ng dalawang porsyentong boto
04:00sa lahat ng mga bumoto o overall count
04:04ng mga bumoto nitong nagdaang 2025 midterm elections.
04:07Alright, maraming salamat sa iyo, Luisa Erispe.