00:00Naging matagumpay ang kampanya ng mga Filipino powerlifters sa naganap na Asian Junior and Sub-Junior Powerlifting Championships
00:08na idinao sa India matapos mag-uwi ng 27 ginto, 32 pilak at 6 na tansong medalya.
00:18Namayagpag si Sabina May Santos na nakasungkit ng 8 ginto matapos pag-reinahan ang lahat ng kanyang events sa Classic at Equipped Categories.
00:28Nagtala rin siya ng bagong Asian Equipped Sub-Junior Records sa squat na 190 kg at total lift na 445 kg.
00:39Hindi rin nagpahuli si Jessamay Tabuan na kumulekta ng 6 na gintong medalya sa Junior Women's 52 kg category,
00:484 sa Classic at 2 sa Equipped Division kung saan nagtala siya ng Asian Record.
00:55Nagpakitang gilas din si Radley Marzan sa Junior Men's 53 kg category matapos makakuha ng 4 na gold medals at magtala ng Asian Record sa squat.
01:06Sa Junior Men's 93 kg category, dalawang din tong medalya ang naipanalo ni Jason Galauran at nagtala rin siya ng bagong Asian Junior Records sa squat para sa Classic at Equipped Divisions.
01:20Sa Junior Women's 57 kg class nangasungkit si Jane Erasmo ng gold sa benchpress Classic Division at nagtala ng Asian Junior Records sa Equipped Divisions.
01:32Nagwagi rin si Ashley Cruz ng gold sa squat event ng Junior Women's 76 kg Classic Division kasabay ng pagtala ng bagong Asian Junior Record.
01:43Kabilang sa iba pang medalist si Alexi Agabon, Angelo Galon, Matthew Fisheder, Ross Teodoso at Gian Carlos Medina.