Muling pumutok ang Bulkang Kanlaon, isang araw matapos ang #Eleksyon2025. "Explosive Eruption" 'yan ayon sa PHIVOLCS na nagbuhos ng abo at ibang panganib.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa ibang balita, muling pumutok ang Bulcang Canlaon isang araw matapos ang eleksyon.
00:06Explosive eruption po yan ayon sa FIVOX na nagbuhos ng abo at ibang panganib.
00:11Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:17Mag-aalas 3 ng madaling araw kanina,
00:19natanaw ng ilang residente ng La Castellana Negros Occidental ang biglang pagliwanag
00:24na tila nagsanib sa makapal na usok na umangat sa himpapawid.
00:28Ang liwanag mula pala sa pumutok na Bulcang Canlaon na ayon sa FIVOX ay isang explosive eruption.
00:34Kitang-kita rin ang biglaang pagputok ng bulcan sa mga larawang ito.
00:39Nakuhanan din ang aktual na eruption sa mga camera footage ng FIVOX.
00:45Nagtagal ang pagputok ng limang minuto at nagbuga ng kulay abong plume o pagsingaw na umabot sa tatlong kilometro ang taas.
00:52Ayon sa FIVOX, nakarinig din ang dagundong sa ilang bahagi ng Canlaon City at La Castellana.
00:58Kapag ang bulkan ay biglang naglabas ng gas at iba pang volcanic materials,
01:03naglalabas din ito ng napakalakas na energy.
01:06So ito ang sanhi ng malakas na ugong o rumbling sound na narinig ang ating mga kababayan.
01:11Nakapagtala naman ang ashfall o pagpatak ng abo sa ilang komunidad ng Negros Occidental.
01:16Sa Carlota City, nabalot ng abo ang mga kalsada.
01:23Bakas din ang ashfall sa mga bubong ng bahay.
01:27Pati sa mga halaman na halos mabura na ang kulay.
01:31Naka-face mask na rin ang ilang residente na iniindaraw ngayon ang sakit ng mata dahil sa nagkalat na abo.
01:37Hindi, ano eh, kalain eh. Katulong sa mata, katulong sa panit.
01:43Kapilot ng lugan.
01:45Ang pagulan ng abo, perwisyo rin sa ilang motorista na nabalot din ng abo ang helmet at sasakyan.
01:51Paliwanag ng PHIVOX, dahil sa pagbara pa rin sa crater at sa ilalim ng vulkan,
01:56ang tinitingdang dahilan ng muling pagputok nito.
01:59Bukod sa ashfall, nagbabala rin ng PHIVOX sa panganib ng Pyroclastic Density Currents o PDC.
02:04Ito yung kombinasyon ng gas, volcanic ash, and volcanic debris.
02:10And mabilis yung daloy nito, bumabagsak ito sa dalis-dis ng vulkan.
02:16And delikado ito dahil it can incinerate everything on its path.
02:20Kayang sunogin ang vegetation, makakasira ng mga ari-aria sa binadaanan nito, pati na rin sa, you know, pwede rin itong kumitilang buhay.
02:31Sa ngayon na nanatili ang alert level 3 sa Bulkan Kanlaon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone.
02:38Kung mag-escalate farther yung activity ng bulkan, we may raise the alert level from 3 to 4, and with that, we may also extend the danger zone.
02:49Nung nakaraang buwan, nagkaroon din ang explosive eruption ng Bulkan Kanlaon.
02:53At kung may nagbabadya pang mas malaking pagsabog...
02:56Base sa current parameters that we are monitoring, that we have recorded, may posibilidad na pwedeng magbago o may mas malakas pa ng pagsabog sa mga susunod na araw.
03:09Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.