00:00Maagang bumoto kahapon ng First Family sa Batat, Ilocos Norte, sa pangungunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:07May detalye si Kenneth Paciente.
00:127.03 ng umaga nang dumating si Pangulong Marcos Jr. sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.
00:18Gaya ng ordinaryong botante, pumila ang Pangulo at tumanggap ng balota mula sa election officer sa Precinct No. 36A.
00:25Sinamahan ang Pangulo ng kanyang anak na si Ilocos Norte, First District Representative Sandro Marcos.
00:30Kasama rin nitong bumoto ang dating unang ginang na si Imelda Marcos at kapatid na si Irene Marcos Araneta.
00:37Bit-bit ng Pangulo ang listahan ng kanyang iboboto na pabiru pa niyang ipinasilip.
00:41Mabilis lang ang buong proseso ng kanyang pagboto, kaya agad ding nalagyan ng indelible ink ang kanyang hintuturo at nakalabas sa polling precinct.
00:49Wala mang ibinigay na panayam na una na siyang nagpaabot ng mensahe sa publiko bago ang araw ng halalan.
00:54Ngayong halalan, gamitin natin ang ating karapatan at gampanan ang ating pananagutan bilang mamamiang Pilipino.
01:02Isang pagkakataon ito para marinig ang boses ng bawat isa at may pahayag ang nanapangarap na mahalaga sa inyo at sa bayan.
01:10Bukod dyan, iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng paggalang sa magiging resulta ng halalan.
01:15Iba't iba man ang ating paniniwala, yan ang diwa ng demokrasya.
01:20Pero ang pagkakaiba ng opinion ay hindi dapat mauwi sa gulong o pananakot.
01:25Ipinaglalaban natin ang kinabukasan sa balota, hindi sa lansangan, hindi sa karahasan.
01:30Paghimok niya sa mga butante at mga kandidato.
01:33Kaya bumoto po tayo, piliin ang tapat, may malasakit at may kakayahang magsilbi.
01:39At sa mga kandidato, igalag natin ang proseso. Tapusin natin ang halalan ng medangal at katahimikan.
01:46Pasado alas 9 naman ng umaga, nang bumoto rin sa Calayab Elementary School sa Lawag City,
01:50si First Lady Lisa Marcos, kasama ang mga anak na sina Joseph Simon, William Vincent at si Congressman Sandro Marcos.
01:57Whatever you're supporting, make sure to get out and vote.
02:00Matapos bumoto, nagtungo ang Pangulo sa Immaculate Conception Parish, Batak Church, kasama ang pamilya.
02:06Samantala, inilarawan naman ang Provincial Election Supervisor ng Ilocos Norte na all is well ang pagbubukas ng hatol ng bayan sa probinsya.
02:14Pero isa sa kanilang naging problema ang paglipanan ng fake news na di umano ay pre-programmed ang mga automated counting machines sa probinsya.
02:21May nagre-reklamo raw kasi ng mga butante na hindi ang ibinoto nila ang lumalabas sa resibong kanilang natatanggap
02:27na mariin namang pinabulaanan ng Provincial Pole Body.