Pag-canvass ng mga boto, nagpapatuloy sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur nitong May 13, 2025.
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!
WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news . Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
00:00Makibalita po tayo sa canvassing ng mga boto sa Maguindanao del Sur.
00:04Kasama po natin doon si Jun Veneracion.
00:07Jun, good morning!
00:11Good morning, Pia.
00:13Kung siguridad at siguridad lang din naman ang pag-uusapan,
00:17ito na siguro ang masasabi nating pinakaligtas na canvassing area sa buong Pilipinas.
00:23Paano ba naman kasi?
00:24Ito yung headquarters ng 6th Infant Division ng Philippine Army
00:28dito sa bayan ng Dato, Udin, Sinsuat.
00:32Napakaraming nakadeploy dito ng mga sundalo, Pia.
00:37At meron ding augmentation mula sa Philippine National Police.
00:43Sa loob ng kampo, gilagawa ang provincial canvassing ng mga boto
00:46mula Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.
00:51Limitado lang ang pwedeng makapasok sa loob ng kampo para saksihan ang canvassing.
00:57Ito yung nakikita natin. Ito yung mga sundalo at pulis na matapat na nagsilbi sa araw ng eleksyon
01:04para pangalagaan yung katahimikan at kaayusan.
01:09Itong paglilimita nga sa mga pumapasok dito ay isa sa mga security measures na ginagawa.
01:15Merong listahan na ibinababa ang COMELEC, tagaya ng listahan mula sa provincial election supervisor
01:23ng Maguindanao del Sur na si Atty. Alan Cadon na kailangang aprobado niya lahat ng mga pumapasok dito.
01:31Nilipat ang provincial canvassing dito sa kampo militar para matiyak ang siguridad ng lahat.
01:35Alas 8 ng umaga yung resumption ng canvassing base naman sa partial and unofficial results
01:42ng eleksyon 2025 ng GMA Integrated News as of 5am.
01:47Nasa 3,000 lang ang lamang ni incumbent Maguindanao del Sur Governor by Maria Mangudadato
01:54laban kay Ali Mintimbang.
01:56Sa Maguindanao del Norte naman ay malaki ang lamang ni Dato Tukaw-Mastura
02:01laban kay Teng Mangudadato para sa pagkagobernador.
02:06Pia, ito yung unang pagkakataon na magkakaroon ng elected governor
02:09ang probinsya ng Maguindanao del Norte matapos hatiin yung old Maguindanao.
02:16Mula rito sa Maguindanao del Norte, ako si John Van Rasyon para sa GMA Integrated News ng eleksyon 2025.
02:22June, kita namin sa video mo, ibang-iba ang eksena dyan kumpara dun sa ibang mga canvassing site
02:30kung saan habang nagbibilangan, yung mga taga-suporta pwedeng pumasok o pwedeng manood,
02:36pwedeng mag-abang sa labas ng canvassing site.
02:40Kita naman namin dyan, sarado ang gate.
02:43So talagang walang basta-basta makakapasok.
02:45Pati ba sa paligid, bawal magtipon-tipon ang mga taga-suporta kung sino mang kandidato?
02:52Pia, yung gate na yan, isa lang yan sa maraming pagdadaanan kung igay papasok dito.
03:01So kung may balak pumunta dito sa canvassing area, meron pang isang gate dun na hinaharang din yung mga gustong pumasok dito.
03:09So imagine mo yung mga security measures in place para matiyak na hindi talaga makakapunta yung mga supporter man o kung sino mang balak manggulo.
03:21Kaya yung pakiramdam rin ng mga tao rito, yung mga taga-comelec at iba pang nakikibahagi sa canvassing, talagang ligtas na ligtas sila.
03:30Yun naman talaga ang main reason na Pia, dahil dun sa siguridad.
03:33Sa totoo lang, bago nga magkaroon ng eleksyon ay may mga kaguluhan na nangyayari.
03:37Nangyayari sa probinsya ng Maguindanao del Sur.
03:41At yun yung isa sa mga naging rekomendasyon nga, naging dahilan para magrekomenda yung Philippine National Police,
03:47regional director ng ProBar, para ilipat yung canvassing ng Maguindanao del Sur.
03:53Dito sa loob ng kampo, yung una kasi, Maguindanao del Norte lang.
03:56Ngayon, dalawang probinsya rito ang canvassing, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, Pia.
04:02Alright, so June, bubuksan na lang yan kapag oras na ng proklamasyon at natapos na yung mismong canvassing.
04:13Alas 8, Pia. Mayamaya, konti na lang. Mga less than 30 minutes.
04:19Magsisimula na uli yung canvassing. Kahapon kasi nagsimula sila.
04:24Pero sabi nitong si Arturney Alan Cadon, ang election supervisor ng Maguindanao del Sur.
04:30Ay kailangan silang mag-adjourn para makapagpahinga naman yung mga tao.
04:33Dahil yung Maguindanao del Sur, Pia, nabigla din sila eh.
04:37Actually, last minute yung directive eh.
04:41On the eve of the election, ay nagkaroon ng utos ang Comelec and Bank na ilipat yung canvassing.
04:47Dapat sanay sa provincial capital ng buluan.
04:50Pero last minute nga, ay inilipat at ginawa dito sa loob ng kampo.
04:54Kaya yung mga logistical challenges ay nandun na kinaharap ng Comelec provincial office.
05:01At naitawid naman nila.
05:02At maaintindihan natin yung matinding pagod naman ito.
05:05Kaya kailangan nila mag-adjourn kagabi.
05:08Mamaya, abangan natin.
05:09Alas 8, ang pagpapatuloy ng canvassing dito.
05:11Pia.
05:12Okay, June. Makikib balita ulit kami sa iyo mamaya.