Kung hindi blangkong resibo ang inilalabas, hindi nakakabasa ng balota ang ilang makina sa Lipa, Batangas. Kaya ang ilang botante, iniwan na sa electoral board member ang kanilang mga balota.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kung hindi Blankong Resibo ang inilalabas,
00:04hindi nakakabasa ng balota ang ilang makinang sa Lipa, Batangas.
00:07Kaya ang ilang butante, iniwan na sa Electoral Board Member ang kanilang mga balota.
00:12Nakatutok si Darlene Kai.
00:17Naging kontrobersyal ang kahong ito na pinaglagyan ng official ballots
00:21sa Clustered Precinct 167 sa Malitlit Elementary School sa Lipa City, Batangas.
00:26May mga balota raw kasing nakalagay dyan na miyembro na ng EBO Electoral Board
00:30ang nagpapasok sa mga ACM o Automated Counting Machine.
00:34Kinumpirma yan ng DESO Technical Support Staff na assigned sa Malitlit
00:38para bantayan at solusyonan ng mga aberya.
00:40Yung po kasing mga bumoto, hindi na po siya ma-read.
00:45Nagkaroon nga po ng error yung ACM.
00:49Ang nangyari po doon, tinanong po muna yung mga bumoto
00:54kung sila po ba ay ano, kung anong magiging plano nila.
00:57Gawa ang iba po ay nagmamadali at may mga pasok po sa trabaho.
01:04So ang iba po ay willing na iwanan na lang daw po nila
01:07at ipagkatiwala na lang sa mga naka-assign na teacher
01:11na sila na lang po ang maglalagay sa machine.
01:1444 na botanti ang nag-iwan ang kanilang mga balota
01:17sa third member ng Electoral Board at siyang nagsusubo ng mga balota sa ACM.
01:21Wala rin silang pinirmahang dokumento, verbal agreement lang.
01:25Alternate po yung nabaklag at saka yung nakapila sa ano,
01:29nakapila ng mga bumoto, yung mga botanti po natin.
01:33Naayos din naman daw ang ACM.
01:35Dito naman sa Gaudensio Bilontok Memorial Integrated School sa Lipa pa rin,
01:39nagkaaberya ang ACM sa Clustered Precinct 211.
01:42Blanko ang lumalabas na resibo sa tuwing nagfifid ng balota ang botanti.
01:46Ang resibong tinutukoy ay ang Voter Verified Paper Audit Trail o VVPAT
01:51na piniprint ng ACM para ma-check ng botanti
01:54kung tama ang nagrehistrong boto sa makina base sa mga shined niya sa balota.
01:58Kaya natatagalan po ako, nakakaroon po ako ng delay
02:00dahil kung minsan po ang resibo ng botanti ay hindi agad nag-print out.
02:05Kada botanti, kailangang ipasok ni Ramil ang kanyang smart card
02:09para makapag-print ang ACM ng mga resibo.
02:11Kapag nagkataon po, doble rin po ang kailangan kong thermal paper
02:15dahil marami po ang natatapon.
02:18Ay kung ako naman po ay maghihintay na may ayos nila
02:20na hindi ko naman po alam kung kailan maayos,
02:22tatambak naman po ang aking mga botanti.
02:25Nag-alala tuloy si Maricel.
02:27Walang laman eh.
02:28Pero kumalma siya ng makitang tugma naman ang laman
02:31ang kanyang balota sa naprint sa resibo.
02:33Yun nga lang, talagang nagkapila sa presinto dahil sa aberya.
02:36Ganyan din sa Cluster Precinct 217
02:39dahil iniluluwa ng ACM ang mga balota.
02:43Darlene Kay, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.