00:00In inspection ng Land Transportation Office ang lahat ng mga bus ng Solid North Transit.
00:06Bahagi ito ng pagtalima sa Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng road users.
00:15Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, bahagi ang road worthiness inspection sa mga requirements bago makapag-operate ang naturang bus company.
00:26Una dito, mahigit pitong daang driver, konduktor at empleyado ang sumailalim sa mandatory drug testing.
00:34At batay sa isinagawang testing, dalawa sa mga driver nito ay nagpositibo.
00:39Git ni Mendoza, ito na ang magiging new normal lalo't mahigpit ang bilin ni Transportation Secretary Vince Dizon na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa kalsada.
00:48Una nang sinuspinden ang pamahalaan ng operasyon ng Solid North Transit matapos ang trahedyang nangyari sa SC Techs na ikinasawi ng sampung individual.