00:00Gumawa ng kasaysayan si American swimmer Katie Lidecky matapos makapagtala ng panibagong world record kamakailana.
00:07Sa pagkakataong ito, sa women's 800 meter freestyle naman ang record na binasag ng 28-year-old tanker.
00:14Noong 2016 Rio Olympics, siya rin ang mismo ang nakapagtala ng huling record sa kategorya na tumayo sa loob ng halos isang dekada.
00:22Naitala niya ang oras na 8 minutes and 4.12 seconds sa TYR Pro Swim Series sa Fort Lauderdale na mas baba ng 6 na ikasampung segundo kaysa sa kanyang dating record at halos 20 segundo ang agwat sa pinakamalapit niyang kalaban.
00:38Siya na ngayon ang may hawak ng 10 pinakamabilis na oras sa kasaysayanang nasabing event.
00:42Sa halos labing tatlong taon, si Lidecky ang namamayani sa long distance freestyle swimming, paulit-ulit na nagtatalaga ng mga record na walang ibang nakakalapit na madalas ay tila laban lamang sa sarili niya.