00:00Nakatakdang magtapos sa darating na biyernes ang Balikatan Exercises.
00:04Ngayong araw, naisigawa pa rin ang iba pang aspeto ng maritime strike
00:08kahit lumubog ang barkong gagawin sanang target bago pa man ang pagsasanay.
00:13Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:19Kuha ito nitong lunes ng umaga habang hinihila ang dating BRP Miguel Malvara mula sa Sanlipo yung Cavite.
00:26Magsisilbi sana itong target ng maritime strike exercise ng Balikatan
00:30na isasagawa 40 nautical miles mula sa Baybayin ng Zambales.
00:34Pero bago pa man magsimula ang pagsasanay,
00:37lumubog ang barko pasado alas 7 ng umaga dahil sa masamang kondisyon ng dagat.
00:42Sabi ng Philippine Navy, wala namang tauhan nila ang nasaktan.
00:56Nagsagawa rin ang environmental cleaning sa barko bago pa man ang isasagawasan ng pagsasanay
01:13kung saan tinanggalang natitirang langis at iba pang contaminants na maaaring mga sira sa marine environment.
01:19Sa kabila nito, tuloy ang simulated live fire ng Mars strike sa pagitan ng mga tropang Pilipino at Amerikano.
01:27The training will integrate ground, maritime, and air-based sensors and shooters in a combined joint fires network
01:34as the Philippines and U.S. Joint Task Forces exercise command and control while exercising combined warfighting capabilities.
01:43Higit 80 anyos na ang barko na nakapagsilbi mula pa noong World War II bagong maglitiro noong 2021.
01:50Noong nakaraang taon, tinarget sa Mars strike ng Bali Katana ang made-in-China na barko, ang BRP Lake Caliraya.
01:57Nagpapatuloy ang iba pang pagsasanay ng Bali Katana kung saan noong weekend,
02:07pinapotok ang iba't ibang asset ng Pilipinas at Amerika sa Apari Cagayan sa counter-landing live fire exercise
02:13o pagpigil sa tangkang pananakop mula sa dagat, kabilang sa ginamit ng howitzers, light tanks, at javelin missiles.
02:21Dito ay lumipad din ang F-16 at F-18 fighter jets ng U.S. kasama ang Apache attack helicopters para magbigay ng closed air support.
02:31Sa Balabag-Palawan, pinangunahan ng 3rd Marine Brigade ang amphibious landing exercise o pagbawi sa isang isla.
02:38Kasama sa pagsasanay ang U.S. Armed Forces at Australian Defense Force habang nagsilbing observer ang Japan Ground Self-Defense Force at UK Royal Marines.
02:48Hanggang sa biyernes magtatagal ang Balikatan 2025.
02:53Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.