Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/2/2025
Nostalgic 'di lang para sa cast kundi para na rin sa mga "Encantadiks" ang 20th anniversary ng sinubaybayang Kapuso telefantasya na "Encantadia"! Maging ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante, napa-flashback sa mga paboritong alaala sa series at nagpasaya pa ng fans!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nostalgic di lang para sa cast, kundi para na rin sa mga Encantadix,
00:08ang 20th anniversary ng sinubaybayang kapuso Telefantasia na Encantadia.
00:13Maging ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante na pa-flashback
00:16sa mga paboritong alaala sa series at nagpasaya pa ng fans.
00:21Makichika kay Lars Anciago.
00:30Hasnay Ivo Lieve, Encantadia.
00:34Ngayong araw, May 2, eksaktong dalawampung taon na
00:38mula ng unang mapanood sa ating mga telebisyon
00:42ang Telefantasyang Encantadia noong 2005.
00:47Minahal yan ng milyon-milyong Pilipino at kinalakihan ng mga millennial.
00:53Ang isa sa mga unang sangre na si Diana Zubiri,
00:57punong-punuraw ng pasasalamat ang puso
01:00sa mga nagmahal sa kanyang karakter na si Danaya.
01:05Marami rin ang napa-flashback Friday sa Facebook
01:08sa kanilang best memories as Encantadix.
01:13May netizen na nagsabing gabi-gabi siyang nagmamadaling makauwi
01:17para lang mapanood ang Encantadia.
01:21Mayroon ding nakiki-overnight sa kaibigan, makapanood lang.
01:26Ang isang netizen, kinokopya raw ang enchant words para pag-aralan.
01:33Di lang engkantadig sa salita,
01:35nag-alasangre rin sa kilos ang ibang netizen
01:38na gumagawa ng sarili nilang sandata,
01:42brilyante at kostyum.
01:45Ang pagmamahal ng marami sa Encantadia,
01:48damang-dama sa excitement sa paparating na sequel,
01:51ang Encantadia Chronicles Sangre.
01:55Kanina, dumating sa GMA Network
01:58ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante
02:01na sina Kelvin Miranda,
02:04Faith Da Silva at Angel Guardian.
02:07Suot nila ang kanilang warrior costume
02:10na nagpawaw sa mga sumalubong na empleyado
02:13ng GMA Network.
02:15Naki-avisala rin si Nunong Imaw
02:18sa Encantadia Day.
02:20Naroon din si Officer in Charge
02:23at Vice President for Drama
02:25ng GMA Entertainment Group
02:28na si Cheryl Ching-C.
02:30Sa isang bahagi ng GMA Network Center Lobby,
02:34nakadisplay naman ang mga brilyante
02:37at watawat ng mga kaharian sa Encantadia.
02:40Una-una sa lahat,
02:42happy 20th anniversary sa Encantadia
02:45and para sa akin napakalaking biyaya
02:48to be part of Encantadia Chronicles
02:51bilang isa siyang legacy ng GMA talaga.
02:55Ito yung something na pinagmamalaking ating lahat.
02:57Isang biyaya din siya para sa akin
02:59kasi tinutunin ko siyang parang iconic artwork eh.
03:02Kumbaga, nakatatak na yan sa puso
03:05at isip ng mga kapuso,
03:08ng mga Encantadix.
03:08Madami po talagang sumusuporta sa Encantadia
03:12since 2005, simula nung nagumpisa to.
03:16So, to be finally part of it,
03:19talagang hindi ko ma-explain
03:21as in no words yung...
03:23Pero grateful, very grateful for it.
03:25Ibinahagi pa ng tatlo
03:27ang kanilang memory as Encantadix.
03:31Ever since then, parang naramdaman ko na
03:34iba yung connection ko sa fire na symbol.
03:38At talaga yung favorite mo talaga
03:39sa Pirena noon?
03:41Totoo, noon pa lang?
03:42Oo!
03:43Kasi ako favorite ko din talaga
03:45sa Miss Iza Calzado nung bata ako.
03:47Like, naglalaro kami, acting-acting.
03:49Tapos laging gusto ko ako yung hangin.
03:51So, ang galing lang na finally
03:53we're living the dream.
03:54Siyempre, yung mga kapangyarihan nila,
03:57sobrang nakaka-emasion
03:58kapag nakikita yung mga purpose
04:00ng mga brillante.
04:02Which is, ngayon,
04:03mas naintindihan ko na kung ano ba talaga
04:05yung purpose ng bawat elemento.
04:07War Santiago
04:09updated
04:11sa showbiz happenings.

Recommended