00:03Mahigit 1.2 million na commuters ang nakinabang sa unang araw ng libre sakay sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
00:11Handog ito ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Labor Day.
00:16Sa report ng Department of Transportation, all-time high ang ridership na nagpapatunay sa malaking suporta ng publiko sa libre sakay program ng pamahalaan.
00:27Magtatagal ang libre sakay sa mga tren hanggang sa ikatlo ng Mayo.
00:34Binigyan din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng due process at rule of law,
00:41kasunod ng suspension or suspension order na ipinataw laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia.
00:47Batid raw ng pagulo ang natural preventive suspension ng Office of the Ombudsman.
00:52Gayun pa man sa ganitong panahon, mahalaga na masunod ang proseso at pag-aralan ang anumang hakbang na makakaapekto sa mandato ng isang halal na opisyal.
01:03Naniniwala rin ang Pangulo na hanggat hindi naaayos ang lahat ng legal na issue kaugnay ng suspension
01:09ay dapat lamang tratuhin ng batas at may paggalang ang posisyon ng gobernadora.
01:15Hinikayat niya rin ang publiko na huwag hayaan ang politika na maging sagabal sa paglilingkod sa publiko.