00:00Nagpasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Sorsogon sa Agaran Tulong ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.
00:11Iyan ang ulat ni Joshua Garcia.
00:15Ipinagpasalamat ng Sorsogon ang Agaran Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paabutan kaagad ng tulong ang mga naapektuhang mamayaan sa pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.
00:25Ayong kay Sorsogon Governor Edwin Hamor, lalong napanatag ang kanilang kalooban dahil sa mabilis na pagdating ng Department of Social Welfare and Development para magpaabot ng tulong.
00:55Dagdag pa ng gobernador, naging efektibo ang maagang paghahanda katulad ng isinagawa nilang command conference ilang araw bago mag-alburuto ang Bulusan.
01:06Anya, bago pa man ang insidente, ay naipamahagi na ang mga dapat ibigay sa mga residente at nakapreposisyon na rin ang mga munisipyo.
01:14Nakatulong din Anya ang pagulan ng kinahapunan para hindi masyado mapinsalan ng ashfall ang agrikultura sa kanilang lugar.
01:20Samantala, piniyak din ni Hamor na bagamat normal na ang sitwasyon sa ngayon, ay wala nang naninirahan malapit sa vulkan.
01:28Sa ngayon, yung permanent danger zone, walang tao yun. At wala talagang inhabitant dun.
01:33Kasi yung kasama sa preparedness namin, pinababa na namin yung mga naka-permanent residency ron.
01:40Joshua Garcia, para sa Pamansang TV, sa Bagong Pilipinas.