00:00Mabibili na rin ang 20 pesos na kada kilo ng bigas sa ilang piling kadiwa stores dito sa Metro Manila.
00:06Prioridad pong pagbentahan niyan ang sakop ng vulnerable sectors tulad ng mga solo parent, PWD at senior citizens.
00:15Si Vel Custodio ng PTV Manila sa Balitang Pambansa Live.
00:21Ben.
00:21Alan, bukod sa Visayas, magbibenta na rin ang 20 pesos bigas ang National Food Authority sa mga piling kadiwa centers sa ibang lugar simula May 2.
00:32Kabilang sa inisyal na pagpapatupad na 20 pesos kada kilo ng NFA rice sa kadiwa ng pangulo sites,
00:42ay ang kadiwa center sa Bureau of Animal Industry, Bureau of Plant Industry, Phil Fayda sa Las Piñas City,
00:48Bagong Sibol Market sa Marigina City, Disipina Village Ugong Valenzuela City, Navotas City Hall, PNP Camp Crame sa Quezon City, at ADC Building na Department of Agriculture.
01:00Prioridad o prioridad dito ang mga nasa vulnerable sectors, kabilang ang membro na 4-piece, senior citizens at solo parents.
01:08Magpapatupad ng quality control ang DA para masiguro na maayos ang kalidad ng NFA rice.
01:13Bismong si DA Secretary Francisco Tulao Real Jr. ang tumikim ng ibibentang 20 peso na NFA rice sa press briefing sa DA kanina.
01:23Para maipakita sa publiko ang magandang kalidad ng kanin ng NFA rice at safe na safe itong kainin.
01:29Maaari itong ipatupad sa mga LGUs na nagsignify para magbenta ng NFA rice sa ilalim ng National Food Security Emergency.
01:37Hinahantay na lang ng DA ang sagot ng Comelec para sa Comelec Exemption bago ang implementation ng pagbibenta ng 20 peso na biga sa mga lokal na pamahalaan.
01:46Alan, ngayon naman susubukan natin ang quality ng NFA rice.
01:55So ito, Alan, yung ibibenta ng National Food Authority na 25% broken imported rice sa Visayas maging sa mga piling Tadiwa store.
02:06So kung makikita natin, para lang siyang yung usual na 45 pesos kada kilo na bigas na naibibenta sa palengke.
02:14Pero may mga konting putol-putol lang itong mga butil.
02:20At titignan naman natin yung kalidad nitong bagong saing na NFA rice.
02:27So yung amoy niya, parang yung usual lang din na kinakain natin na bigas.
02:32Ngayon titikman naman natin.
02:40Malambot siya.
02:42Hindi siya gano'n katamis kumpara nung kinakain natin na bigas na binibili natin ng 45 pesos.
02:48Pero kung sa pang-araw-araw, abay pwedeng-pwede na ito.
02:52Mula sa People's Television Network, VEL Custodio, Balitang Pambansa.