00:00Babiyahin na ngayong gabi patungong Vatican City si ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Lisa Araneta Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis.
00:08Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Kenneth Pasiente ng PTV Manila.
00:14Kasado na ang pag-alis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Luis Araneta Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis.
00:21Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, tutulak ngayong gabi ang first couple patungo sa Vatican.
00:28Bukod sa pagdalo sa funeral rites ng Santo Papa, wala pang ibang nakatakdang aktibidad sa ngayon ng Pangulo sa Vatican.
00:35Wala pang ibinigay na detalye ang palasyo sa eksaktong oras ng pag-alis ng first couple at kung anong pecha babalik ang mga ito sa bansa.
00:42Mamayang gabi po ang pag-alis po ng first couple. The funeral will be attended by the first couple this Saturday, April 26.
00:51Bilang pagbibigay-pugay naman sa Yumaong Santo Papa, idiniklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Mourning.
00:57Batay sa Proclamation No. 871 na nilagdaan ng Pangulo, marapat lamang nabigyang pugay ang Santo Papa na naging impluensya sa buong mundo.
01:05Ayon sa proklamasyon, ang kautusan ay efektibo agad at magtatagal hanggang sa araw ng libing ni Pope Francis na nakatakda sa Sabato.
01:12Bilang bahagi ng pag-unita, inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, pampribado man o pampubliko,
01:17na ibaba sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa buong panahon ng luksa bilang paggalang sa Yumaong Santo Papa.
01:23Binigyang din ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pamana ni Pope Francis,
01:27mga aral na kinakatawan ng pagmamahal, awa at pananampalataya,
01:31na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa sambayan ng Pilipino at sa buong mundo.
01:35Una ng nagpahatid ng pakikiramay ang Pangulo sa Simbahang Katolika, kasunod ng pagpanaw ng Santo Papa.