00:00Binigyang di ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagaan ng pagpapabuti ng digital infrastructure sa bansa.
00:08Sinabi ito ng Pangulo sa pagbubukas ng Vitro Santa Rosa o VSR Data Center sa Santa Rosa, Laguna ngayong araw.
00:16Ito ay ang unang data center na Artificial Intelligence o AI Ready at pinakamalaking hyperscale facility sa bansa.
00:23Kabilang sa mga servisyo nito ang cloud service at enterprise systems kung saan matutulungan ang mga negosyo na makakuha ng real-time data analytics, automation at makabagong digital tools.
00:37Itinataguyod rin ng pasilidad ang sustainability dahil 35% ng kuryente nito ay mula sa renewable energy at gumagamit ng energy efficient cooling system.
00:49Sa tulong ng pasilidad ay maisusulong ang adhikain na mapalago ang papel ng Pilipinas bilang digital hub sa rehyon.