00:00Samantala, bumuo ang Philippine National Police ng dalawang bagong kumite contra kidnapping at fake news.
00:06Ito'y para mapalaganap ang kapayapaan at katotohanan sa bansa.
00:10Ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee ang tututok sa pagtukoy, pagsugpo at pag-neutralize ng mga organisadong kidnap for hire na operasyon sa bansa.
00:18Habang ang Joint Anti-Fake News Action Committee naman ang lalaban sa problema tungkol sa maling informasyon at disinformation.
00:25Ayon kay PNP Chief Romel Francisco Marbil, hindi lang ito mga bagong kumite, kundi kongkretong hakbang din para tugunan ang banta ng Kidnap for hire syndicates hanggang fake news campaigns.
00:37Kumikilos din anya ang PNP para protektahan ang mamayana at siguruhin mananaig ang batas at katotohanan na kanilang ambag sa isang bagong Pilipinas.