00:02Inanunsyo ng Vatican na pumanaw na si Pope Francis kaninang umaga, oras sa Roma.
00:06Ang detalye sa Balitang Pambansan ni Gavir Llegas ng PTV Manila.
00:12Pumanaw na sa edad na 88 si Pope Francis.
00:15Ito ay kinumpirma ni Cardinal Kevin Farrell sa Casa Santa Marta kaninang hapon, oras dito sa Pilipinas.
00:21Pumanaw ang Papa alas 7.35 ng umaga, oras sa Roma.
00:25Ipinanganak si Jorge Mario Bergoglio noong December 17, 1936 sa Buenos Aires, Argentina.
00:31Panganay siya sa limang magkakapatid.
00:33Nagsimula siya sa kursong Chemical Engineering pero pumasok sa seminaryo bilang hiswita matapos gumaling sa malubang karamdaman noong 1958.
00:42Naordinahan siyang pari noong 1969 at naging katuwang ng mga mayihirap, kabataan at mga biktima ng diktaturya sa Argentina.
00:48Noong 1992, itinalaga siya bilang auxiliary bishop at pagkatapos ay ginawang arsobispo ng Buenos Aires.
00:56Namuhay siyang payak, sumasakay ng bus, tumitira sa apartment at nagluluto ng sarili niyang pagkain.
01:02Itinalaga siyang Cardinal ni Pope John Paul II noong 2001.
01:05Noong March 2013, matapos magbitiw si Pope Benedict XVI, nahalal siya bilang 266 na papa ng simbahan katoliko, ang kauna-unang hiswita at unang santo papa mula sa Amerikas.
01:19Pinili niyang gumamit ng guesthouse sa alip na PayPal Palace at binigyan din ang paglilingkod sa mayihirap, pagpapasigla ng panlipo ng hustisya at pangangalaga sa kalikasan.
01:29Umabot sa 61 bansa ang kanyang binisita, kabilang ang Pilipinas noong 2015 kusan binisita niya ang Tacloban at Naitem matapos ang Bagyong Yolanda.
01:40Ang kanyang misa sa Quirino Grandstand ang may pinakamaraming dumalo sa kasaysayan, 6 na milyon.
01:45Kamakailan, isinugod siya sa ospital dahil sa bronchitis at nanatili doon ng mahigit isang buwan.
01:51Matapos ang gamutan, muli siyang nagpakita sa publikos noong Palm Sunday at Easter Sunday.
01:57Noong Sabado de Gloria, nakipagkita pa siya kay U.S. Vice President J.D. Vance at pinag-usapan nila ang kapayapaan at religious freedom.
02:06Paalam, Lolo Kiko. Ang inyong buhay ay mananatiling iluminasyon sa pananampalataya at paglilingkod.
02:14Kari, fratelli e sorelle, Buona Pascua!
02:20Mula sa People's Television Network, Gabo Milde Villegas para sa Balitang Pambansa.