24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Hindi lang sa Kutut, Pampanga, may isinadolang senakulo.
00:05Sa London United Kingdom, may ilang deboto rin na niri-anak ang pagpapako kay Jesus Christos sa Cruz.
00:12Libo-libo nagtipon sa Trafalgar Square nitong Biyernes,
00:15santo para manood ng Passion of Christ,
00:18na ipinapakita ang mga hirap at sakripisyo ni Jesus.
00:22Itinanghalya ng isang theater company at charity na nagsasagawa ng mga religious open-air shows.
00:28Tulad sa Pilipinas, national holiday rin sa Britanya ang Good Friday at dinarayan ng mga turista ang London.
00:36Nagsimula na rin umuwi ang ilan sa mga kababayan natin nagbakasyon ngayong Semana Santa sa Cebu City.
00:42May mga pumunta na sa mga pantalan at bus terminal para makabiyahe kaagad.
00:47Pero hindi lahat yan ay mga turistang galing Cebu.
00:50May ilan na humahabol pa na makauwi sa kanika nilang probinsya matapos maubusan ng mga ticket nitong nakaraang araw.
00:55Inaasahang bukas, Easter Sunday o sa madaling araw ng lunes ang dagsa ng mga bakasyonista.
01:02Mga kapo sa Easterlees ang nagpapaulan ngayong araw sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:11Ay sa pag-asa, magdadala po yan ang maulat na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms sa Davao Occidental at Davao Oriental.
01:20Gayun din sa Metro Manila at natitira ang bahagi ng bansa.
01:22Sa rainfall forecast ng Metro Weather bukas, linggo ng pagkabuhay, light to moderate rains ang posibleng maranasan sa coastal area ng Marinduque at Palawan.
01:32Posibleng namang makaranas ng light to heavy rains ang malaking bahagi ng Mindanao.
01:37Mababa naman ang tsansa ng pagulan bukas sa Metro Manila.
01:41Patuloy naman ang nararamdamang init sa bansa ayon sa pag-asa 46 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index.
01:48Ngayon araw sa Dagupan City po yan sa Pangasinan.
01:5245 degrees Celsius naman sa QB Point, Subic Bay at sa Olongapo City naman po yan.
01:58Nakaranas naman ang 44 degrees Celsius na init sa Baler Aurora at Kamiling Tarlac.
02:07Matapos ang malakihang rollback sa presyo ng petrolyo ngayong Semana Santa, oil price hike naman ang aasahan ng mga motorista sa susunod na linggo.
02:15Sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau ng Energy Department, posibleng umabot sa piso at 35 centimo ang taas presyo sa kada litro ng diesel.
02:25Hanggang piso at 30 centimo naman sa kada litro ng gasolina.
02:29At hanggang piso ang dagdag presyo sa kerosene.
02:33Sa tansa naman ang kumpanyang Jetty Petroleum, hanggang piso at 60 centimo ang price hike sa kada litro ng gasolina.
02:40Piso at 40 centimo naman sa diesel.
02:42Ayon sa Energy Department, ilan sa mga dahilan ang inaasahang oil price hike, ang humihigpit na global supply,
02:49panibagong compensation cut sa oil producers ng OPEC Plus,
02:53at ang inaasahang pag-uusap ng America at China para humupa ang trade war.
02:58Kung balak niyo pong maging adventurous, lalo ngayong tag-init, lumabas na raw sa inyong mga lungga at subukang i-explore ang mga kuweba sa summer.
03:13Kualayan na po ang inyong drawing na travel sa report na ito.
03:17Kung game kayong mag-chill o mag-tampisaw lang o feeling a little bit adventurous,
03:27swak sa inyo ang tinaguriang Heart of Samar.
03:30Tara, sa bayan ng Matuginaw.
03:33Isang oras na biyahe lang mula sa Katbalogan City.
03:35Bago simulan ng adventure, kailangan dumaan muna sa tourism office para magparehistro.
03:39At ang first stop, ang crystal clear na tubig sa Bagotan Falls.
03:45Ang tubig sa Matuginaw, talagang maginaw.
03:51Ibiragmamalak rin ang kanilang Cathedral Cave na hitik sa iba't ibang klase ng rock formation.
03:57Hingang malalim lang dahil maging isang oras na trek ito,
04:00at pagkatapos na mahaba-habang lakaran, oras na para magpahinga sa kanilang Sapa Cold Spring.
04:06Last stop, let's G sa Sulpan Maleho,
04:09at Sulpan Baroos Cave.
04:11At mamangha sa naglalakihan nilang stalagmites at stalactites.
04:15Paalala ng mga tour guide, always leave no trace behind.
04:19Baunin lang ang magagandang alaala at gawing inspirasyon para sa inyong bucket list.
04:24O saan tayo sa susunod na pasyalo food trip?
04:26I-share nyo na sa 24 Horus Weekend page ang inyong travel at food adventures.
04:31Hindi lang kidnapped for ransom, mga anggolong tinitignan ng PNP sa pagdukot at pagpatay sa negosyanting Chinese na si Anson Tano, Anson Keh, at kanyang driver.
04:47Ang tatlong suspect hawak na ng PNP habang patuloy ang paghahanap sa iba pang sangkot.
04:51Mula sa Campo Kramen, nakatutok live si Chino Gaston.
04:55Chino!
04:56Ivan, hawak na ng pulis siya ang tatlong sospek sa pagkidnap at pagpatay sa Chinese businessman na si Anson Tan o Anson Keh, pati na ang kanyang driver na si Armani Pabillo.
05:10Sa press conference ng PNP, pinakita at pinangalanan ni PNP spokesperson, Police Brigadier General Mary Jean Fajardo ang mga sospek.
05:17Sumuko ngayong araw si David Tan Liao, alias Xiao Chang Jiang, alias Yang Jianmin at Michael Agad-Yung, isang Chinese national at ayon sa PNP ay umamin sa krimen.
05:29Sumuko raw siya sa PNP dahil sa takot down para sa kanyang buhay.
05:33Inaresto naman sa Rojas, Palawan kahapon si Richard Austria David, alias Richard Tan na driver daw ng sumukong sospek at ang bayaw na si Raymart Catequista.
05:42Sa CCTV footage na kuha ng PNP, makikitang pumarada ang itim na van ng biktima sa tapat ng bahay na ito sa isang subdivision sa Maykawayan, Bulacan noong March 29, dakong alas dos ng hapon.
05:54Nagpunta raw doon ang biktima kasama ang driver nitong si Armani Pabillo para katagpuin ang isang babaeng Chinese national na pinain umano sa kanya ng mga sospek.
06:03Sa mismong araw na yon, may CCTV footage na nakitang si Garcia na ang nagmamaneho ng itim na van ng biktima pati na ang pag-iwan nito sa bahay Toro sa Quezon City.
06:14Sa iba pang CCTV footage, kita si na Garcia at Liao sa labas ng bahay kung saan tinali at pinatay si Nakke at si Pabillo.
06:23May dalawang iba pang Chinese national na kasama ng grupo na itinuturing na principals, bukod pa ito sa mga itinuturing na mastermind ng krimen.
06:31Kabuang $20 million na kinonvert sa cryptocurrency ang hininging ransom mula sa pamilya pero pinatay pa rin ang mga biktima.
06:41Sinusundan na ng mga investigador ang galaw ng perang aabot sa $200 million na halaga ng cryptocurrency na nakuha ng sindikato mula sa iba pang mga kidnapping incidents.
06:51Ayon sa pulisya, dati nagsangkot ang sospek na si Tan Liao sa limang iba pang insidente ng kidnapping na mga Chinese kaugnay sa Pogo Operations sa bansa.
07:01Samantala Ivan, hindi daw totoo ang kumakalat na impormasyon na apat na iba pang mga malalaking negosyante sa bansa ay nakidnap din.
07:08Nagbabala ang PNP laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
07:12Kilala na raw ng PNP ang mga nagpapasimuno nito ng maling impormasyon at inihahanda na ang mga reklamong isasampa laban sa kanila.
07:21Narito po ang pahayag.
07:22May tinitignan po kaming angulo na possibly po na Pogo-related po ito.
07:29But maliban pa po doon ay meron po kaming isa pang angulo na we have a very solid lead na tinitignan na hindi lamang kidnapping for ransom ang pakay ng grupo na ito nung kuhanin po nila si Ginoong Anson Tan.
07:44But we will provide you more updates but the family requested po na huwag na muna pong sabihin kung saan pong direksyon po pupunta po itong ating investigation.
07:54They are requesting the PNP to give them a few days before we reveal who are the masterminds behind this incident po.
08:07At yan ang latest mula rito sa Campo Crame. Balik sa inyo Ivan.