Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/18/2025
Mga dalangin at kahilingan ang baon ng mga debotong Katoliko na dumalo sa prosisyon ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.


Mahigit sampung oras ang naging prusisyon bago makabalik sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene ang andas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga dalangin at kailingan ang baon ng mga debotong katoliko na dumalo sa prosesyon ng malapong Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.
00:08Mahigit sampung oras ang naging prosesyon bago makabalik sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazarene ang andas.
00:15Nakatutok si Jomer Apresto.
00:20Ganito kakapal ang tao kagabi sa naging prosesyon ng poong Jesus Nazareno sa Quiapo Church sa Maynila kagabi.
00:27Sa dami ng mga deboto, halos mapuno ang paligid ng simbahan kaya iisipin mong panahon ito ng Pista ng Nazareno.
00:36Bawat isa sa kanila may bit-bit na hiling at pasasalamat sa puon.
00:41At para maipakita ang kanilang debosyon, ang iba sumama sa mismong prosesyon.
00:49Pero marami rin ang pinili na lamang abangan ng andas sa mismong tapat ng simbahan at sa kahabaan ng Quezon Boulevard.
00:56May ilan na nagdala ng mga sapin para makapagpahinga kahit papaano habang hinihintay ang pagbalik ng puon sa simbahan.
01:04Mayroon ding mga nagbao ng pagkain at sariling tubig para makatipid.
01:08Ang 79 years old na sinanay Milita galing pa ng Navotas at nagpasama lamang sa anak ng kanyang kaibigan.
01:15Dati raw siyang sumasama sa prosesyon pero dahil may edad na, inabangan na lang niya sa simbahan ang pagbalik ng andas.
01:22Taon-taon po ako nagpupunta dito. Mga siguro sampun taon na mahigit ako nagpupunta dito.
01:30Sana po yung bigyan ako ng malakas na katawan, mga mapang buhay, kasi ako marami po akong apo na inaalagaan.
01:40Ayon sa pamunuan ng simbahan, alas 11.20 kagabi nang inilabas sa simbahan ang imahen ng poong Jesus Nazareno.
01:48Mas maaga ito ng mahigit 40 minuto kumpara sa oras na dapat sana ay alas 12 pa ng hating gabi.
01:55Main reason dyan para maagang matapos kasi as we all know, mainit ngayon.
02:01Last year kasi it took them 10 hours because of a longer route.
02:06Nagkaroon daw ng ilang pagbabago sa andas para masiguro ang kaligtasan ng imahen at ng mga diboto.
02:13Dinagdagan ng perforation, yung mga butas, yung andas, para hindi mag, of course, nagkaroon ng parang moist sa loob.
02:25Yung dulo ng cross sa likod, mas maiksi. Mas maiksi yung nakalabas ngayon.
02:31To avoid talaga yung sumasampa.
02:33Yung talian ng lubid, makikita nyo mayroong retractable na metal doon na nakasabit.
02:41Part of the route, ilalarga yun. Ilalarga.
02:45Tapos yung metal na retractable, ipapasok ko rin sa loob.
02:49Kung ano yung preparation last year, ganun pa rin.
02:51Siguro, ang kagandahan lang ngayon is may mga lessons learned during the previous same activity.
02:58So, yun yung mga pinag-aralan.
03:00Ginawan ng appropriate na interventions.
03:02Ang deployment natin ng PNP personnel for the safety and security coverage ay more or less 3,000 na PNP personnel.
03:10Nadagdagan lang ng konti.
03:11Alos nasa 2,600 sila last year.
03:16Sabi ng mga deboto, huwiat man ang kanilang inabot, ang mahalaga na silayan nila ang poon.
03:23Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto. 24 oras.

Recommended