00:00Samantala mas pinagtibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at New Zealand.
00:04Kasabay ng phone call ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.
00:11Si Kenneth Paciente sa sentro ng balita.
00:15Muling pinagtibay ang ugnayan ng bansa at New Zealand.
00:19Kasunod yan ang pag-uusap ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa isang phone call.
00:26Pinag-usapan ng dalawang lider ang mga kasalukuyang pag-unlan sa komersyo at binigyang diin ang patuloy na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand para sa regional peace at development.
00:36Gate ng punong ehekutibo. Naging produktibo ang kanilang pag-uusap na sumentro-a niya sa kalakalan.
00:42Dagdag pa rito ang patuloy na pagsusulong ng dalawang bansa para sa kapayapaan at kaunlaran sa Indo-Pacific region.
00:49Ikinalugod naman ni Luxon ang muli nilang pag-uusap ng Pangulo para suportahan ng malaya at patas na kalakalan
00:54at mapag-usapan ng magagandang hakbang para isulong at mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa sa darating na panahon.
01:03Ikinalugod naman ang Pangulo ang mas lumalalim pang bilateral relations ng bansa at France
01:07kasunod ng courtesy call ni French Minister of Trade, Laurent St. Martin.
01:12Gate niya na sa kabila ng distansya ng Pilipinas at France, patuloy na napapalakas nito ang kooperasyon.
01:18Gayun din ang pagsunod sa international law na kapwa pinahahalagahan ng mga ito.
01:23Kasalukuyang nasa negosasyon ng dalawang bansa para sa paglagda ng isang Visiting Forces Agreement
01:27na magpapalakas sa ugnayang pangdepensa at magbibigay daan sa pagsasanay ng mga sundalo sa mga teritoryo ng isa't isa.
01:36Nagpahatid naman ang pagbati si Pangulong Marcos Jr. kay Moroccan King Mohammed VI
01:40kasabay ng paggunita ng 50th anniversary ng diplomatic ties ng dalawang bansa.
01:46Sa kanyang liham para sa hari, inilarawan ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng okasyong ito
01:51bilang isang pagkakataon para sa parehong bansa na pagnilayan ng mga tagumpay ng nakaraang limang dekada
01:56at magtakda ng landas para sa hinaharap na kooperasyon.
02:00Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.