00:02Bayan Binaticos ng Malataniang ang paraan ng pangangampanya ng ilang kandidato sa hatol ng Bayan 2025.
00:10Ayon sa Pangulo, hindi katanggap-tanggap ang kawalan ng respeto lalo na sa kababaihan.
00:16Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:20Hindi katanggap-tanggap para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24ang mga bastos at insensitibong pahayag at pakulo ng ilang kandidato sa 2025 midterm elections.
00:31Ayon sa Malataniang, hindi dapat pamarisan at hindi dapat idoluhin ang mga ganitong kandidato.
00:38Walang karespe-respeto lalo na sa mga kababaihan.
00:43Ipinagmang malaki at ginagawang katatawanan, ginagawang joke ang pambababae ng mga kalalakihan.
00:48Ginagawa rin issue at katatawanan ang mga rape na sitwasyon.
00:57Hindi na po ito dapat.
00:58Hindi po dapat nagawing idolo ang mga ganitong klaseng tao.
01:03Hindi po dapat ito pamarisan.
01:05Ayon kay Yusek Castro, kung dati ay nagagawa at pinapalakpakan pa ang mga ganitong bastos na biro,
01:14hindi na ito ubra sa panahon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:19Kabilang sa mga nasampulan at nabigyan na ng show cause order ng Commission on Elections,
01:24ay si Pasig City Congressional Candidate Christian Sia.
01:27Matapos itong sabihin sa isang kampanya na pwedeng sumiping sa kanya ang mga single mother at pagbibiro tungkol sa katawan ng kanyang female staff.
01:36Na-issuean din ang show cause order si Davao de Oro Gobernatorial Candidate Ruel Peter Gonzaga
01:41dahil sa mga komento tungkol sa pribadong parte ng katawan ng kababaihan
01:45habang pinagpapaliwanag din si Manila Council Candidate Moka Uson
01:50dahil sa umano'y double meaning na campaign jingle.
01:53Masaya naman ang Pangulo sa mabilis na pag-aksyo ng COMELET laban sa mga bastos na kandidato.
01:59Taugnay dito, nagbigay ng tayo ang palasyo sa kung ano
02:02ang mas dapat tutukan ng mga nagnanais na maging leader ng bansa at ng mga komunidad.
02:09Dapat ipagpatuloy nila ang pag-promote ng respeto,
02:16ng integridad at ng truthfulness o katotohanan sa kanilang mga sinasabi
02:22habang sila ay nagbibigay ng kanilang mga pangako sa kanilang mga constituents at sa mga butante.