00:00Hinihikayat ng Commission on Elections ang partisipasyon ng kabataan sa pagboto sa darating na Hatol ng Bayan 2025 sa ginilap na voters' education sa Cebu City.
00:11Yan ang ulat ni Nina Oliverio ng PTV Cebu.
00:16Isang buwan na lang bago ang Hatol ng Bayan 2025, hinikayat ng Commission on Elections o COMELEC ang partisipasyon ng mga kabataang registered voters sa pagboto.
00:26Nagsagawa ng voters' education campaign ang COMELEC sa ilang mga college students sa Cebu City sa tulong ng iba't-ibang student at youth organizations sa lungsod.
00:36Ayon kay COMELEC Information Division Chief, Leo Lim, napakahalaga ng youth participation lalo na't malaki ang kanilang populasyon sa kabuoang numero ng mga botante.
00:46Napakalaki kasi ng papel ng mga youth sa atin. Una-una in terms of number, napakalaking population ng youth voters natin.
00:56If I'm not mistaken, I think it's between 35% to 40% ng mga botante natin.
01:02So kung ma-engage natin yung mga youth natin, it can make or break a kandidasi ng isang kandidato kahit sa national position.
01:11Tinuruan din ang COMELEC ang mga sudyante kung paano gamitin ang automated counting machine o ACM.
01:17Nakiisa rin si Atty. Francisco Pobe, Regional Director ng COMELEC, Central Visayas, sa paghikayat sa kahalagahan ng mga kabataan sa eleksyon.
01:26Through the elections, we will be heard and we put effort, care na our future actually relies on the political leaders that we elect in position.
01:41May payo naman ang COMELEC sa mga first-time voters.
01:44At this point, alamin na nila kung anong presunto sila naka-assign para alam nila kung saan sila pupunta sa araw ng eleksyon.
01:53At ngayon pa lang, pag-aralan na nila yung mga platforma nung kanilang mga kandidato.
01:59At pag ngayon na iselect na nila yung kanilang mga kandidato, ilista na nila, magdala na sila ng kodigo.
02:04Kung mga estudyante yung mga nandito, we encourage them na magdala ng kodigo sa araw lang na eleksyon.
02:11Para at least mas mabilis, mas accurate yung pag-voto nila.
02:16Ayon sa COMELEC, higit 20 milyon ang voting population ngayong taon ay Gen Z.
02:21At nasa higit kumulang 1 milyon ang youth voters sa Cebu Province.
02:25Mula sa PTV Cebu ni Ni Oliverio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.