00:00Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Transportation
00:04na tiyaking ligtas ng pagbiyahe ng mga Pilipino ngayong Semana Santa.
00:08At Sen. Aini Marcos, hinikayat ng malakanyang na mag-imbita ng international law experts sa pagdinig ng Senado
00:15kaugnay ng pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:19Sikinat pasyente sa report.
00:20Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang maayos at ligtas na biyahe para sa publiko ngayong panahon ng Kwaresma.
00:31Binigyang direktiba ng Pangulo ang Department of Transportation na paigtingin ang monitoring ngayong marami sa ating kababayan
00:37ang uuwi sa kami-kanilang probinsya.
00:39Inatasan na rin ang iba pang attached agency ng DOTR na bantayan ang mga terminal ng bus,
00:45mga pantalan, maging mga paliparan para matiyak na maiiwasan ang anumang delay sa mga biyahe.
00:50Ikinabahala naman ng Pangulo ang pinakahuling insidente sa West Philippine Sea.
00:55Giit ni Palas Press Officer Atty. Claire Castro, baga man may panibago na namang panggigipit sa mga barko ng Pilipinas
01:01na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa,
01:04malaking bagay na pinananatili ng Philippine Coast Guard ang pagiging profesional sa pagtugon sa insidente.
01:10Matatanda ang linggo nang mangyari ang insidente sa Palawig Zambales,
01:13kung saan pinalibutan ng Chinese Coast Guard 3302 ang BRP Cabra ng Pilipinas.
01:20Hinikayat ng Malacanang si Sen. Aimee Marcos na mag-imbita ng international law expert sa pagdinig ng Senado
01:26kaunay ng pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:30Ayon sa palasyo, mas mabuting mabigyan ng ibang pananawang senadora tungkol sa issue.
01:35Magiging daan kasi anila ito para maunawaan niya ang ibang opinion na kaiba sa mga kadalasang dumadalo sa pagdinig.
01:42Sa Webes, nakatakda ang susunod na pagdinig kung saan kinumpirma ni Sen. President Francis Escudero na ilang opisyal ng pamahalaan ang dadalo.
01:51Nilinaw naman ang pamahalaan na matagal nang napahinto ang dredging operations sa Cagayan River.
01:56Sa briefing, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na 2023 pa ito napahinto dahil sa umano'y mababang klase ng dredging materials.
02:04Yan ang naging tugon ng palasyo sa issue ng umano'y mababang huli ng mga isda sa ilog ayon sa pambansang lakas ng kilusang Mama Malacaya o Pamalacaya.
02:12Nagsimula ang dredging project doon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tugon sa pagbaha sa rehyon.