00:00Nakatutok ngayon ng pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng pagsabog ng Bulcang Kanlaon.
00:05Yan ang mali ng pambansa ni Kenneth Paciente ng PTV Manila.
00:11Mabilis na tulong. Yan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagsabog ng Bulcang Kanlaon.
00:18Kaya naman tiniyak ng palasyo ang whole of government approach na pagtugon sa kalamidad.
00:23Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:27naka-alerto na ang mga kinawukulang ahel siya ng pamahalaan.
00:30Katunayan, tutok na sa sitwasyon ng DSWD sa pamamagitan ng paghahanda ng mga family food packs sa mga pamilya na nakatira sa mga apektadong lugar.
00:39Patuloy pa rin po ang binibigyan ng servisyo po. Ayon na rin sa direktiba ng ating Pangulo.
00:47Ang DSWD po ay hanggang sa ngayon po ah, ngayong April 8 ay sinabi po na ang field offices po sa Western and Central Visayas
00:58ay closely coordinating po sa mga affected local government units.
01:03At patuloy pa rin po ang pagbibigay ng mga provisions ah o family food packs and non-food items sa ating mga kababayan na naaapektuhan.
01:13Nagpaalala naman ang health department sa mga residente na malapit sa bulkan na magsuot ng masks at mga damit na mapoprotektahan ng balat
01:21mula sa abo ng bulkan na ayon sa ahensya ay mapanganib.
01:25Hinihikayat din ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanila para matugunan ang anumang emergency situations.
01:31Habang ang Kanlaon City Government, naglabas na rin ang abiso na nagbabawal ng pagpasok sa loob ng 6-kilometer danger zone ng bulkan
01:38para sa kanilang kaligtasan, lalot na nanatili sa alert level 3 ang bulkan.
01:43Tiniyak naman ng palasyo ang kahandaan ng gobyerno sakaling kailanganin ang karagdagang pondo para sa lokal na pamahalaan.
01:50Kung kinakailangan po, ito po'y titignan po at titignan po mabuti kung ano po ang pangangailangan ng mga LGUs at agad-agad pong bibigyan po ito ng tulong.
01:58Ilang lugar din ang nagsuspinde ng klase at trabaho bunsod ng ashfall.
02:03Gayunman, wala pang naitatalang nasaktan kasunod ng naging aktibidad ng bulkan.
02:07Pero pinaalalahanan ng mga residente roon na maging mapagmatsyag at sumunod sa mga abiso ng otoridad.