Aired (March 22, 2025): Sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig ni Zeph (Zephanie) mula sa pagtatalo nina Mr. Rodente (Lloyd Samartino) at Elijah (Elijah Alejo) ang isang lihim. Anak daw si Zeph ni Mr. Rodente. Pero nang dumating ang ina ni Zeph na si Aling Nadia (Tina Paner) at kinompronta si Mr. Rodente, sinabi ng lalaki na 'di niya anak ang dalaga. Ito raw ang resulta ng DNA test. Panoorin ang video.