• last year
Magiging maulan pa rin bukas dahil sa Bagyong #KristinePH na ngayo’y nasa dagat na matapos tawirin ang Northern Luzon.


Bukod d’yan, may dalawang low pressure areas sa silangan ng Pilipinas, at isa d’yan ay posible maging bagyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, alamin na natin ang update sa Bagyong Christine na tinatawid ngayon ang Hilagang Luzon.
00:10Makakasama natin si Amol La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amol?
00:18Salamat Miss Mel. Mga Kapuso, magiging maulan pa rin bukas dahit po sa Bagyong Christina na ngayon nasa dagat na matapos po nitong Tawirina,
00:26ang Northern Luzon. Bukod po dyan, may dalawang low-pressure area sa silangan po ng Pilipinas at isa po dyan na posibling maging bagyo.
00:35Huling namataan ang sentro ng Bagyong Christine, dyan po yan sa coastal waters ng Santa Lucia, Ilocos Sur.
00:41Yan po, may taglay po itong lakas ng hanging na abot ng 95 kmph at pagbogsong papalo naman ng 145 kmph.
00:50Pakaluran po ang paghilis ito pero mabagal po yang gumagalawa. At kahit nasa dagat na ulit at unti-unting lumalayo sa landmass,
00:57nakataas pa rin po ang signal number 3, dyan po yan sa Ilocos Sur, La Union, at pati na rin sa Pangasinana.
01:03Signal number 2 naman sa Cagayan, kasama po ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Calinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, at ganoon din sa Benguet.
01:14Ganoon din po dito sa Ilocos Norte, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, at pati na rin sa Bulacana.
01:23Signal number 1 din po dito sa Metro Manila, signal number 1 sa atin, kasama rin po ang Batanes, Rizala, Batangas, Laguna, Cavite, Quezon, at pati na rin ang Occidental Mindoro.
01:36Kasama rin po dyan, ito po nga bahagi po ng Oriental Mindoro, Marinduque, Romblona, northern portion ng mainland Palawan, pati na rin po ang Calamiana, Cuyo, at pati na rin ang Kalayaan Islands.
01:48Kasama rin po dito, ito pong Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albaya, Sorsogona, Masbate, ganoon din, Anticao, at Burrias Islands.
01:58Signal number 1 din, dito po yan sa Aklana, Capiz, Antique, Kaluya Islands, Iloilo, Bantayan Islands, pati na rin po sa Northern Samar, at sa northern portion ng Samar.
02:09Sa latest forecast, rakunang pag-asa, magtutuloy-tuloy po ang paghilus ng bagyo yang po ay pakaluran dito sa may West Philippine Sea hanggang sa makalabas na ng Philippine Area of Responsibility bukas biyernes.
02:23Pero mga kapuso, may posibilidad na maglupo, umikot po yan, nakikita po ninyo dito sa ating truck, yan po ay babalik ulit, malapit dito sa ating par.
02:32Ayon po sa pag-asa dahil po yan sa isa pang mabubuong bagyo sa labas naman ng ating Area of Responsibility.
02:39So ito pong low pressure area na huling nakita po, 2,465 kilometers silangan po ng Northeastern Mindanao.
02:47At bukod po dyan, mayroon pang isang low pressure area na halos katabi lang po nito sa ngayon, e mababa naman po ang tsyansa nito na maging bagyo.
02:55Sabi ng pag-asa, itong LPA na nagbabadyang maging bagong bagyo anumang oras mula ngayon, inaasahang papasok po yan sa loob ng ating par ngayong weekend at posibling maka-apekto sa paggilos ng bagyong Kristina.
03:09Sa wind forecast map ng Metro Weather, makikita po natin na habang unti-unti nga pong lumalapit itong panibagong bagyo, natatawagi nating bagyong leon,
03:18pagpasok po sa par, tila may hila o susunod po dito itong dating bagyong Kristina.
03:23Paglabas po yan sa par, saglit lang po yan dito sa may West Philippine Sea at agad din pong babalik o iikot at magkakaroon po yan ng interaksyon.
03:31Sabi po ng pag-asa, hindi inaalis ang tsyansa na magkaroon po ng tinatawag natin na Fujiwara Effect.
03:37So maghihilahan o magkakaroon nga po ng interaksyon sa isa't-isa itong dalawang bagyo.
03:42Pero mga kapuso, posibly pang magbago yan sa mga susunod na araw.
03:46At dagdag ko na rin, sabi po ng pag-asa, depende pa rin po yan sa lakas at ganun din sa magiging distansya po sa isa't-isa ng dalawang bagyo.
03:55Sa ngayon, ang bagyong Kristina, ang tanging may-epekto po ngayon sa ating bansa.
03:59Base nga sa datos ng Metro Weather, posibly magtuloy-tuloy ang maulang panahon ngayong gabi.
04:04Dito po yan sa northern at ilang bahagi rin po ng Kalabari Zone, ganun din dito sa may Central Zone.
04:09At sa may Western Visayas, meron pa rin po tayong nakikita ng mga matitindi at halos tuloy-tuloy ng mga pag-ulan.
04:16Meron din po mga pag-ulan bukas ng umaga.
04:18Diyan po yan sa may Ilocos Region, ganun din dito sa may Zambales, Bataan, Pangasinan at iba pang bahagi ng Central Zone.
04:26Asahan din po yan dito sa Mildoro Provinces, Palawan, Panay at sa Negros Island.
04:32Inasahan din po natin yan sa ilang bahagi ng Samar and later provinces, Zamboanga Peninsula, ganun din po sa Marm at Soxargen.
04:40Unti-unti namang mababawasa ng mga pag-ulan bandang hapon at medyo pag-gabi ito po,
04:45halos na wala na po yung mga kulay o yung mga pag-ulan na dala ng bagyong Kristina.
04:49Pero posible pa rin ulan yan ang malaking bahagi po ng Visayas at ganun din dito sa ilang bahagi ng Mindanao.
04:56Dito naman sa Metro Manila, may chance pa rin po ng ulan bukas pero maaaring hindi na kasing tindi ng naranasan po ngayong araw na halos walang tigil at tuloy-tuloy.
05:06Sa weekend naman, posible pa rin po ang ulan sa Southern Luzon, ganun din po dito sa may Visayas at ganun din po dito sa ilang lugar sa Mindanao.
05:15Base po yan sa datos ng Metro Weather. So ito po ay para sa mga nagahanda sa papalapit na undas.
05:21Sa Lunes at Martes naman, may chance rin po ng mga kalat-kalat na pag-ulan, lalo na po yan pagsapit ng hapon at gabi.
05:28Pero mga kapuso, posible pa po yung magkaroon ng pagbabago dito at sabi nga ng pag-asa,
05:33oras na naglapit po itong bagyong Kristina at yung bagong magiging bagyo,
05:37posibling maging maulan po ulit sa Western dahil po dito sa posibling pagbabalik ng bagyong Kristina
05:43at sa Eastern portions naman ng ating bansa dahil dun sa bagong bagyo na tatawagin nga natin na bagyong Leon.
05:51At yan ang latest sa lagingning ating panahon. Ako po si Amorla Rosa. Ito ang GMA Integrated News Weather Center.
05:57Maasahan anuman ang panahon.

Recommended