#AskAttyGaby— Online pambubugaw sa menor de edad | Unang Hirit
2 buwang gulang na sanggol, ibinubugaw?! Ang masakit pa rito, mga magulang pa ang gumagawa nito.
Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
Alamin 'yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.
Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
Alamin 'yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.
Category
😹
FunTranscript
00:00Basta usaping batas, hindi niya yan pinalalambas.
00:03Dari ito na ang ating kapuso sa batas, Atty. Gabby Concepcion.
00:06Good morning, Atty.
00:09Good morning din sa'yo, Ivan.
00:11Although today, hindi masyadong good ang pag-uusapan natin
00:14kasi minsan, manggigigil ka na lang talaga sa mga balita dyan.
00:19Gaya po nito, mga bata,
00:21kabilang ang dalawang wanggulang na sanggol, ibinugugaw.
00:25Ang masakit pa rito, sariling magulang mismo,
00:27ng biktima, ang gumagawa nito.
00:30Ang mga kalaswaan, ginagawa online.
00:33Ipinapanood nila to sa mga parokyano sa Amerika para pagkakitaan.
00:37Mabuting lang at nasagip ng NBI ang sanggol
00:41at iba pang mga bata sa isang operation
00:44at arestado ang magkapatid na ginang na mismong inapa ng mga bata.
00:49Ano bang sinasabi ng batas tungkol dyan?
00:52Ask me, ask Atty. Gabby.
00:59Atty, hindi ko ma-explain ang mararamdaman sa balitan to.
01:04Gaano kabigat po ba ang parusa sa ganitong kaso,
01:07lalo na at magulang mismo ang sangkot.
01:10Grabe talaga, di ba?
01:12Hindi natin alam kung magagalit ba tayo,
01:14mandidiri o maiiyak na lamang
01:17kung bakit ba merong mga tao at mga magulang
01:20na talagang minamaltrato ang kanilang mga anak
01:22sa pinakamasamang paraan.
01:25Ano ba ang kaso sa ganitong mga sitwasyon?
01:27Well, patong-patong na kaso na panghabang buhay na kulong.
01:31Of course, ang una dyan,
01:32posibling kaso para sa violation ng
01:34Expanded Anti-Trafficking In-Persons Act of 2012.
01:39Yang pag-aalok na isang bata for sexual exploitation
01:43ay isang form ng trafficking in-persons.
01:45At dahil ito ay ginawa ng mismong magulang,
01:48nagiging qualified trafficking na may panghabang buhay na kulong
01:52at fine na hanggang 5 million piso.
01:55Of course, ito ay isang kaso for child abuse.
01:57Yan naman, very obvious,
01:58sa ilalim ng Republic Act 7610.
02:01But most of all, ito po ay isang kaso na lumalabag
02:04sa Republic Act 11930 o ang
02:07Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Act
02:13na medyo bagong batas dahil na ay pasalamang to
02:16noong July 2022.
02:18Pinaiigting at pinalalakas nito ang batas
02:21laban sa online sexual abuse ng mga bata
02:24na kuminsan nga ay kasing bata na isang sanggol na ilang linggo
02:27o buwan pa lamang ay ginagawaan na ng kalaswaan online.
02:32At yung mga nanonood,
02:33madalas ay nasa Amerika at Europa nga
02:36at yung mga magulang ay kumikita
02:38dahil nga daw, napaka-easy money nito.
02:41Pero hindi ito nararapat na gawin
02:43kaya naman para sa mga magulang
02:45o kahit na sino pa nakasangkot sa ganitong karumal-dumal
02:49at kahindik-hindik na krimen
02:51ay maaaring humarap sa isang panghabang buhay na kulong
02:54na walang posibilidad ng parol
02:56at fine ng hanggang 2 million pesos.
02:59Kasama dito ang panggamit sa isang bata
03:01para gumawa ng kahit na anong online sexual abuse
03:04o exploitation.
03:06Ang paglalivestream nito
03:07o ang paggawa ng mga material
03:09at pagbayanta nito,
03:11lahat po yan,
03:12panghabang buhay na kulong
03:14at dapat lang lamang.
03:16Imaginin ninyo isang dalawang buwang gulang na sanggol
03:20Ang pinagawang laman ng sex tape at kalaswaan
03:22ay nakakaini talaga ng ulo
03:24at nakakagalit.
03:26Dala daw ng matinding kahirapan
03:28unang-una mga anak natin
03:30hindi natin passport
03:32para kumita ng pera.
03:34Yung mga magulang ang dapat kumita ng kabuhayan
03:36para mapalaki ng maayos
03:38ang kanilang mga anak.
03:40Tandaan po natin yan.
03:42Yung mga bumibini naman po
03:44ng malalaswang pictures at videos
03:46ng mga bata online
03:48Ito ang pananagutan.
03:50Naku, huwag na kayong ma-curious pa
03:52at mag-attempt na mag-access
03:54ng kahit na anong form ng child pornography.
03:56Actually, ang tamang term diyan
03:58ay child sexual abuse
04:00or exploitation material
04:02or child sexual abuse material.
04:04Kahit na anong material yan,
04:06video, audio, larawan
04:08in any form,
04:10electronic, optical, magnetic,
04:12basta kalaswaan at exploitation
04:14ng kabataan in any form,
04:16hindi niyo pwede sabihin
04:18na hindi ko kayo winarningan
04:20and I am warning you, bakit?
04:22Sa ilalim ng batas, ang pag-access
04:24ng ganitong material
04:26ay kulong ng hanggang dalabing dalawang taon
04:28at may fine ng P300,000.
04:30At yung mere
04:32possession ng any form
04:34of child abuse material,
04:3612 years and 1 day to 20 years
04:38ang kulong at may fine din na
04:40P300,000.
04:42So leave our children alone.
04:44Happy na isama ang mga anak natin
04:46sa kabuktutan ng isip ninyo.
04:48Put an end to child pornography.
04:50I-report ninyo ang kaso,
04:52yung mga kapitbahay na gumagawa nito
04:54at sa police at sa DOJ.
04:56Patuloy po natin ang pag-pursue
04:58ng mga kaso.
05:00Akaini talaga ng ulo, diba?
05:02Pero dito po, mga usaping batas,
05:04bibigyan po nating linaw.
05:06Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:08huwag magdalawang isip,
05:10ask me,
05:12ask attorney Gabby.