• 4 months ago
Umukit ng kasaysayan si Carlos Yulo matapos maka-dalawang ginto sa Olympics sa loob lang ng mahigit 24 oras nitong weekend. Ang back-to-back niyang panalo sa floor exercise at vault events ng gymnastics ang una ring double gold ng bansa sa isang siglong pagsali sa palaro. Balikan natin ang kanyang winning performance na dahilan kung bakit narinig ng buong mundo ang pambansang awit ng Pilipinas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:05Umukit ng kasaysayan si Carlos Yulo,
00:10matapos makadalabang ginto sa Olympics,
00:13sa loob lang na mahigit 24 oras nitong weekend.
00:18Ang back-to-back niyang panalo sa floor exercise at both events ng gymnastics.
00:23Ang una ring double gold na bansa sa isang siglong pagsali sa palaro.
00:29Balikan po natin ang kanyang winning performance
00:31na dahilan kung bakit narinig ng buong mundo
00:35ang pampansang-awit ng Pilipinas.
00:37Nakatutok si JP Soriano.
00:39JP!
00:42Sa liksing ipinakita sa unang sabak sa vault pa lang,
00:45hindi na mababakas ayon kay Carlos Yulo
00:48ang kakulangan sa tulog dahil sa pagkatuwa sa nauna niyang gold medal.
00:53Suwabe ang landing kahit mataas ang level of difficulty
00:57kaya naka 15.433 agad.
01:00Ramdam yan hanggang sa sunod na vault performance
01:03kung saan naka score siya ng 14.8
01:07kaya umabot sa 15.116 ang average total score.
01:12Sapat upang inipad siya sa ikalawa niyang ginto sa 2024 Olympics.
01:18Unang pagkakataon din para sa isang Pilipino
01:21ang double gold sa iisang Olympic game
01:24dahil nanalo na sa floor event itong Sabado.
01:26Ikalawang pagtaas din ito ng ating watawat sa Paris Olympics.
01:32Hindi na raw niya ito inaasahan, lalo't pinakamagagaling ang kalaban
01:36kabilang ang Tokyo Olympics bronze medalist mula sa Armenia
01:40na nanalo ng silver sa event.
01:42Pero ang tiyak, tiwala siyang nagawa niya ang lahat.
01:45Yung first vault niya, full blast talaga.
01:48Then second is medium lang.
01:53Then meron kaming mga exercises na ginawa bago kaming pumasok.
01:57Yung mga handstand na form handspring.
02:00Habi ko, oh no, isa yun na. Nasa sayo na yan.
02:03So pagka ginawa yan, magka medal ko.
02:07Sa gitna ng labang niya, hindi na rin nanghina
02:10ang suporta ng mga Pilipino sa Paris.
02:13Kaya matapos ang panalo, sinuklian niya ni Yulo.
02:17Kahit pagod, game siyang nakipaglitrato
02:20at nabigay pa ng mga autographs sa fans.
02:23Pagkatapos ay nilapitan ang itinuturing na pahinga,
02:28ang nobyang si Chloe.
02:30Sa lahat, ups and downs, nandun siya palagi para sa akin,
02:33para suportaan ako.
02:35Papasalamat ako sa taas na binigay siya sa akin.
02:38Grabe yung motivation na binibigay niya sa akin yung support.
02:42Mahal na mahal ko siya.
02:44It seems like I'm the best friend.
02:46Winning team! Winning team!
02:49Tila kasama rin in spirit ni Carlo ang ama
02:52na hindi lang tumutok sa kanyang mga laban sa televisyon,
02:55kundi nagpahayag na ng pagka-proud sa kanya,
02:59bago pa ang laban.
03:00Mahal na mahal ko yung dati ko.
03:02Grabe yung suporta na binibigay din noon.
03:04Yung grabe.
03:07Wala ako masabi na thank you sa suporta pa.
03:11Mahal na mahal kita.
03:13Ngayon pa lang may sunod ng tinatarget si Carlo.
03:16LA. See you in LA?
03:17Yeah, LA.
03:18Pero bago pa ang 2028 Los Angeles Olympics,
03:22i-enjoy muna niya saglit
03:24ang well-deserved napahinga
03:26nang tanungin niya kung ano ang mga gusto niya.
03:29Mag-Disneyland!
03:31Ah, sinigang yun!
03:33Bula sa Paris, France,
03:35at bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee Media,
03:38JP Soriano,
03:39Naguulat.
03:43Subtitling by SUBS Hamburg

Recommended