Lumakas at isa nang super typhoon ang Bagyong #CarinaPH, base sa 5 p.m. bulletin ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, super typhoon ang pinakamalakas na uri ng bagyo na maaaring tumama sa bansa. Kada taon, 20 bagyo ang pumapasok sa bansa at 8 o 9 dito ang nagla-landfall.
Ano nga ba ang super typhoon at ano ang mga paghahanda na dapat nating gawin?