Ano ang status ng imbestigasyon kay Bamban Mayor Alice Guo? | The Mangahas Interviews

  • 29 days ago
Unang humarap sa Senate hearing si Bamban Mayor Alice Guo matapos madawit sa na-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac, na siya namang itinanggi ng alkalde. Bukod dito, naging kuwestiyonable rin sa Senado ang totoong identity ni Guo.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, hindi umano nagtutugma at walang sapat na supporting documents ang mga sagot ni Mayor Guo sa mga nagdaang Senate hearing. Naniniwala si Sen. Hontiveros na hindi dapat palampasin ang isyung ito lalo na kung mapatutunayan na may mga nananamantala sa maluwag na regulatory framework ng bansa.

Ang update sa imbestigasyon kay Mayor Guo at iba pang isyung tinututukan ng Senado, sasagutin ni Sen. Risa Hontivers sa #TheMangahasInterviews.