Para kay Albie Casiño, hindi na rin naman bago sa kanya ang pagpapa-sexy kung babalikan ang kanyang past projects, pero iba raw talaga ang Vivamax.
Alam niya kung gaanong mapangahas ang mga eksena sa mga proyektong gawa sa ilalim ng Vivamax at ito ang inaasahan niya sa pelikulang gagawin niya na Moonlight Butterfly.
Ngunit nang malaman niya na ito ay ididirek ni Joel Lamangan, hindi na siya nakaramdam ng pag-aalala dahil nakatrabaho na niya ito nang ilang beses.
Watch the PEP Live full episode here: https://youtube.com/live/_o7R4AbY3RI