Eugene Domingo at Pokwang, magpapasaya bilang Becky and Badette! | Updated with Nelson Canlas

  • 6 months ago
Kailangan na nating tumawa,ika nga ni Nelson Canlas nang makausap ang lead stars ng Becky and Badette. At sagot na 'yan nina Uge at Pokwang sa kanilang Metro Manila Film Festival 2023 movie! Sa podcast, pinapili sila ni Nelson ng leading man para sa isa't isa. Pipiliin daw ni Uge si Daniel Padilla para maka-partner ni Pokwang. Bakit kaya? Habang si Pokwang naman, pipiliin maging katambal ni Uge si Alden Richards. May "special guests" din na susurpresa kay Nelson, dalawang sikat na showbiz moms!