De Lima nagtungo sa Manaoag Church sa unang araw ng pansamantalang paglaya | Balitaan

  • 6 months ago
Sa unang araw ng pansamantalang paglaya, inumpisahan ni dating senadora Leila de Lima ang kaniyang umaga sa pagbisita sa Manaoag Church sa Pangasinan.

Lunes ng gabi nang nakalaya si de Lima mula sa pagkakadetene matapos ang halos pitong taon dahil sa umano'y pagkakasangkot niya sa bentahan ng ilegal na droga. Pinayagan siya ng Muntilupa Regional Trial Court na makapagpiyansa sa natitira niyang drug case sa halagang ₱300,000.

Sa ngayon, nais daw ng dating senadora na malinis ang kaniyang pangalan mula sa mga akusasyong dati na niyang itinatanggi. Kilalang kritiko ng madugong giyera kontra-droga ni dating pangulong Rodrigo Duterte si de Lima.

Kaugnay ng pansamantalang paglaya ni dating senator Leila de Lima, makakausap natin siya sa linya ng telepono.

Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines

Recommended