Dalawang Amerikanong hostage ng Hamas, pinalaya na | GMA Integrated Newsfeed
  • 6 months ago
Nagbigay ng pag-asa para sa iba pang kaanak ng mga dinukot ng grupong Hamas ang pagpapalayang ginawa nila sa dalawang Amerikanong bihag. Ayon sa Hamas, pinalaya sila dahil sa "humanitarian reasons."

Samantala, binuksan na rin ang Rafah Crossing o ang border sa pagitan ng Gaza at Egypt para sa mga truck na may dalang humanitarian aid katulad ng gamot at pagkain.

Ang detalye, alamin sa video.
Recommended